Key Points
- Ang bagong isyu ay nauugnay sa tinatawag na Direction 99 - na nag-aatas sa Administrative Appeals Tribunal na ikunsidera ang ugnayan sa Australia ng indibidwal sa pag-review nito ng mga desisyon sa visa cancellation.
- Inilatag ni Minister Giles noong nakaraang taon ang Direction 99 sa gitna ng pressure mula sa noo’y New Zealand Prime Minister Jacinta Ardern na ihinto ang deportation ng mga New Zealand nationals na halos buong buhay nila ay nakatira sa Australia.
- Nitong unang bahagi ng linggo lamang ay naglabas ang AAT ng desisyon sa isang kaso ng lalaking New Zealand national kilala lamang sa alias na CHYC. Dahil sa koneksyon nito sa Australia, ibinalik ang visa nito sa kabila ng pag-plead o umaming guilty sa panggagahasa ng stepdaughter nito.