COVID-19 update: 3.4 milyong Australyano humingi ng suporta para mental health noong unang taon ng pandemya

Ito ang inyong COVID-19 Update sa Australya para 22 ng Hulyo

Pedestrians wearing face masks in Melbourne, Monday.

Pedestrians wearing face masks in Melbourne. Source: AAP Image/Joel Carrett

Noong Biyernes, mayroong naiulat na 58 na katao ang namatay bunga ng  COVID-19, kasama ang 25 sa Victoria, 15 sa New South Wales at 10 sa Queensland. 

Alamin ang pinaka huling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa Australya dito.
Sa pinaka huling datos mula Australian Bureau of Statistics noong Biyernes nakita na isa sa bawat limang Australyano (o 4.2 milyon)  ang nakaranas ng  mental health disorder noong 2020-21. 

Sa 4.2 milyong katao, 3.3 milyong katao ang nag-report ng anxiety disorder, kabilang dito ang mga nararamdamang tensiyon, pagkabahala o nerbiyos. Ang mga kababaihan ay nakaranas ng mas mataas na antas na anxiety disorder  kung ihahambing sa mga kalalakihan.

Nakita sa pag-aaral na  3.4 milyong Australyano ang humingi ng tulong mula sa  health care professional para sa kanilang  mental health noong 2020-21.

Noong Biyernes inilunsad ng pamahalaang pederal ang panibagong advertising campaign upang i-promote ang COVID-19 antiviral treatment.  

Sinabi ni Ministro para Kalusugan Mark Butler na ang oral antiviral treatments ay nagbibigay ng mahalagang tulong upang labanan ang virus.  

Sinabi ng COVID-19 Technical Lead ng The World Health Organization, Dr Maria Van Kerkhove,  ang BA.4 at BA.5 ang pinaka nakakahawa na subvariants, ngunit hindi sila kasing lubha kung ihahambing sa mga naunang subvariants. 

Aniya nababahala ang WHO kaugnay ng panibagong subvariant BA.2.75. Ngunit, limitado pa ang kanilang nalalaman tungkol sa Omicron subvariant. 

Nagpositibo ang Pangulo ng Estados Unidos Joe Biden sa COVID-19. Nabakunahan ng apat na inirerekomendang dose ang Pangulong Biden. Sa ngayon, banayad lamang ang mga nararanasan niyang sintoma at umiinom siya ng antiviral pill Paxlovid.

Hinikayat ng Kalihim ng Australian Council of Trade Unions (ACTU) Sally McManus ang mga negosyo na pahintulutan ang  work from home hangang humupa ang kasalukuyang Omicron wave. 

Maaring ma-access ang Mental health support  24 oras, pitong araw sa bawat linggo .  

Lifeline: 13 11 14 

Suicide Call Back Service: 1300 659 467 

Beyond Blue: 1300 224 636

MensLine Australia: 1300 789 978

Kids Helpline: 1800 551 800

Kung kayo ay nababahala sa suicide, nakatira kasama ang isang tao pinag-iisipan ang suicide o nagdadalamhati dahil sa suicide - ang Suicide Call Back Service ay maaring matawagan sa 1300 659 467 o www.suicidecallbackservice.org.au.

Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino 

Hanapin ang  COVID-19 testing clinic

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland   

South Australia   Tasmania   Victoria   Western Australia  



I-register  ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland    

South Australia   Tasmania   Victoria    Western Australia



Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia

Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories

Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, alamin kung ano-ano ang maraing pagpilian

narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang COVID-19 jargon sa wikang Filipino 



Basahin ang mga impormasyon ukol sa  COVID-19 sa sariling wika sa  SBS Coronavirus portal


Share

Published

Updated


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 update: 3.4 milyong Australyano humingi ng suporta para mental health noong unang taon ng pandemya | SBS Filipino