COVID-19 update: Sa Australya halos 10,000 positive cases na-ireport sa aged care residents at staff

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australya para sa 1 Agosto.

Family members of residents are seen outside Epping Gardens Aged Care Facility in Epping, Melbourne, Tuesday, July 28, 2020. More coronavirus deaths of aged care residents are expected in coming days as Victoria's troubling infection rates continue to spi

Family members outside an aged care facility in Melbourne. (file) Source: AAP Image/Daniel Pockett

Nitong Lunes, Sa Australya mayroong nai-report na 17 katao namatay sa COVID-19, kabilang ang pito sa New South Wales (NSW), lima sa South Australia (SA) at tatlo sa Queensland.

Alamin ang pinka-huling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa  Australya dito.
Sa Australya, kasalukuyang mayroong 1,064 active COVID-19 outbreaks sa mga residential aged care facility, kung saan mayroong 9,906 positive cases.

Sa 9,906 infected na katao, 6,360 ay residente, at 3,546 ay staff.

Sa NSW  mayroong 344 nai-report na outbreak - ang pinaka mataas na bilang sa bansa. Sinundan ito ng Queensland (231), Victoria (218), SA (127) at WA (96).

Sinabi ng Minister of Aged Care Anika Wells na 78.8 porsiento ng eligible residents sa mga  aged care facility ay nakatanggap na ng pang-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19.

Mula ngayong araw  (1 Agosto), maglalabas bawat linggo ang Department of Health and Aged Care ng mga datos ng mga nababakunahan na mga residente at staff sa bawat aged care home.
Nag-isyu ang The Therapeutic Goods Administration (TGA) ng pahayag kung saan niliwanag nito na hindi nito tinanggal ang ilang mga COVID-19 rapid antigen tests mula mga tindahan  sa kabiguan ma-detect ang Omicron COVID-19 variant.

Idiniin ng TGA  na mahalaga ang mga RAT sa pagharap at pag manage sa pandemya. Hindi man ito sing sensitibo ng mga PCR tests ngunit mas mabilis itong maisagawa at agad matatanggap ang resulta. Sinabi na ang mga RAT ay pinaka accurate sa pag test sa mga pasyenteng nakakaranas ng sintoma.

Sinimulan na ng The Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) ang pagsuri ng mga datos sa paggamit ng protein-based Novavax COVID-19 vaccine sa mga bata na nasa edad 12-17 taong gulang.

Binigay ng TGA ang provisional approval sa  Novavax vaccine noong ika 28 ng Hulyo.

Ayon sa ATAGI kasalukuyang pina-finalize pa ang desisyon sa paggamit ng Spikevax vaccine ng Moderna sa mga bata mula anim na buwan hangang limang taon gulang.

Sa darating na mga linggo, ipamamahagi ng pamhalaaan ng WA ang karagdagang 11.87 milyong libreng  RATs sa mga mag-aaral at satff ng mga paaralan.

Samantala, SA na extend ang libreng bakuna laban sa flu hangang ika 31 ng Agosto.

Nasa mabuting kalagayan ang Pangulo ng US Joe Biden matapos itong muling magpositibo sa COVID-19, ayon sa  White House.

Nagpositibo si Pangulong Biden para COVID-19 sa unang pagkakaton noong ika-21 ng Hulyo at uminom ng  antiviral drug Paxlovid. Negative ang resulta niya noong ika 26 at  27 ng Hulyo.

Ang ikalawang positive na resulta ay isinalarawan bilang  'rebound,' isang sitwasyon sa mga pasyente na gumagamit ng gamot na Paxlovid. Siya ay kasalukuyang nasa isolation.


Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino 

Hanapin ang  COVID-19 testing clinic

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland   

South Australia   Tasmania   Victoria   Western Australia  



I-register  ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland    

South Australia   Tasmania   Victoria    Western Australia



Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia

Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories

Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, alamin kung ano-ano ang maraing pagpilian

narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang COVID-19 jargon sa wikang Filipino 



Basahin ang mga impormasyon ukol sa  COVID-19 sa sariling wika sa  SBS Coronavirus portal

 


 

Share

Published

Updated


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand