- Pinakamataas na bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa loob ng 10 linggo, naitala sa NSW. Sa kabila nito, tuloy pa rin ang pagluluwag ng restriksyon bukas Disyembre 15.
- Umabot na sa 150 katao ang mga kaso ng COVID-19 na konektado sa Newscatle night club. Isa sa mga ito ay natukoy na Omicron variant. Nakapagtala naman ng 28 na panibagong kaso ng COVID-19 kahapon ang New Hunter region sa NSW, at ngayong araw naman ay lumobo na ang bilang sa 225.
- Kinumpirma ni Punong Ministro Scott Morrison ang pagbubukas ng international border sa Disyembre 15.
- Nakatakda naman ang Tasmania magbukas ng border bukas, Disyembre 15.
- Ang Western Australia naman ay planong magbukas ng border sa Pebrero 5, 2022.
- Sa Britain, naitala ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa Omicron variant.
COVID-19 Stats
- Nagtala ng 1,189 na panibagong kaso ang Victoria at anim ang naiulat na namatay.
- May 804 naman na community cases ang naitala sa NSW at isa ang namatay dahil sa virus.
- Nagtala ang ACT ng apat na panibagong kaso
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: