COVID-19 Update: Libreng RATs ipapamahagi sa mga kabahayan sa Western Australia

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 28 Pebrero 2022.

코로나19 신속 항원 검사/ RAT Test kit being used.

Source: iStockphoto

  • Inilunsad sa Western Australia ang Free RAT program, bibigyan ng limang  test kits ang bawat tahanan sa estado ng walang bayad.
  • Maaari mag-apply ang mga residente ng  Western Australia  para i-pick up ang mga test kits online , o kaya tumawag sa 13 COVID (13 26834). Ang numerong ito ay magbibigay serbisyo para ma-access ang ibang wika maliban sa English.
  • Simula sa Lunes ika-28 ng Pebrero hindi na mandatory ang pagsusuot ng face masks sa mga estudyante ng high school at staff sa New South Wales.
  • Simula ngayong araw hindi na kakailanganin sa mga paaralan sa NSW na mag- RAT test ang mga estudyante para makapasok.
  • Sa Victoria, simula ngayong araw maaari ng ipagpatuloy ang lahat ng elective surgery.
  • Simula sa Martes, A uno ng Marso tatapusin na ng estado ng Victoria ang pamimigay ng $450 COVID-19 isolation payment habang naghihintay ng resulta ng PRC test, dahil mas marami na ang gumagamit ng RAT tests.
COVID-19 sa buong Australia

Sa NSW 1,136 ang nasa ospital  habang 55 ang nasa intensive care. Samantala, 6 ang namatay at  nakapagtala ng 5,856 panibagong kaso ng Covid-19.

Sa Victoria, 283 ang  nakaratay sa ospital, 42 ang nasa ICU  at 7 ang naka-ventilator.  Habang tatlo ang namatay  at 5,852 ang bagong nailatang kaso.

Sa Tasmania, walang namatay dahil sa Covid-19 ngayong araw,  11 ang nasa ospital at 734 ang bagong kasong naitala na may Covid-19.

Sa ACT, 44 na indibidwal ang nasa ospital, walang na-ICU  pero isa ang patay habang 464 ang naitalang panibagong kaso ng Covid sa buong teritoryo.

Sa Queensland,  3,312 ang naitalang panibagong kaso ng may virus, isa naman ang namatay. Samantala,  311 ang nakaratay sa ospital  at 25 indibidwal ang nasa ICU.

Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa bakuna kontra COVID-19 sa iyong sariling wika



 Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic

 ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland   

South Australia   Tasmania   Victoria   Western Australia  



I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland    

South Australia   Tasmania   Victoria    Western Australia



Alamin ang mga dapat at hindi mo dapat gawin, pati mga bagong restriksyon sa buong Australia 

Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, narito ang mga impormasyong makakatulong sa iyo

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna kontra COVID-19 sa iyong sariling wika 



Bisitahin ang SBS Coronavirus portal para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.


Share

Published

Updated

Presented by SHIELA JOY LARRADOR-CUBERO

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand