COVID-19 Update: Ikatlong dose, kakailanganin na para masabing kumpleto na ang bakuna

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 11 Pebrero 2022.

Federal Health Minister Greg Hunt

Federal Health Minister Greg Hunt Source: AAP

  • Inirerekomenda ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) na gamitin ang mga salitang "up to date" sa halip na  "fully vaccinated"
  • Para sa mga Australyanong may edad 16 pataas, kakailanganin ng magkaroon ng ikatlong bakuna para masabing "up to date" ang bakuna. Para naman sa mga kabataan na may edad 15 pababa, "up to date" pa din ang mga ito, matapos makuha ang kanilang ikalawang bakuna.
  • Ang bagong depinisyon ng pagkakaroon ng kumpletong bakuna ay mag-aapply lang sa COVID domestic policy and hindi ito kasama sa plano sa pagbubukas ng international border ng bansa. 
  • Ang bagong abiso ay ipapatupad na simula katapusan ng Marso. 
  • Para sa mga turistang galing sa labas ng bansa, kakailanganin lang ng dalwang bakuna para makapasok sa bansa, na ipapatupad sa pagbubukas ng international borders sa darating na Pebrero 21. 
  • Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, gagawing mandato ang pagkakaroon ng booster shot sa mga nagtatrabaho sa aged care.
  • Ngayong Byernes, 48 ang naitalang kabuuang bilang ng namatay sa NSW, Victoria, Queensland at South Australia dahil sa COVID-19.
  • Haharap sa public accountability committee ngayong Byernes sila NSW Health Minister Brad Hazzard at chief health officer Dr Kerry Chant, kasama ang ilang myembro ng NSW Health, healthcare unions at mga academic. 
  • Kasama sa bubusisiin ng komite ang muling pagbubukas ng NSW pati na rin ang mga kasalukuyang hinaharap ng mga sektor ng aged care at healthcare. 
  • Nagluwag ng restriksyon ang South Australia, kasama dito ang  capacity limit sa mga outdoor area, pub, club, at mga kainan. 
COVID-19 Stats:

Sa NSW, 1,716 na pasyente ang nadala sa ospital, 108 ang kasalukuyang nasa intensive care, 19 ang namatay dahil sa virus at may 8,950 na naitalang panibagong kaso ang estado.

Sa Victoria, 553 ang nasa ospital matapos tamaan ng COVID-19, 82 ang nasa ICU at 23 ang nangailangan ng ventilator, 13 ang nasawi at 8,521 ang naitalang panibagong kaso ngayong araw. 

Sa Queensland, 14 ang nasawi dahil sa virus, 5,977 ang niatalang panibagong kaso, 584 ang nasa ospital at 45 ang nasa intensive care.

Sa Tasmania, 552 ang naitalang panibagong kaso, 16 ang naospital at isa ang nasa ICU. 

Sa South Australia, may dalawang namatay dahil sa virus at may naitalang 1,445 na panibagong kaso, 210 ang nasa ospital at 16 ang nasa ICU.


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika

 



Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 Update: Ikatlong dose, kakailanganin na para masabing kumpleto na ang bakuna | SBS Filipino