Nilinaw ni Federal Health Minister Greg Hunt na hindi na kakailanganing magbayad ng mga babyahe interstate para sa kanilang COVID-19 test, kung magpapatest sa state-run clinic. Nangyari ito matapos magkaroon ng kaguluhan kung sino ba talaga ang sasagot sa gastos sa pagpapatest na nagkakahalaga ng $150 kada tao.
Sa ngayon, ipinapatupad sa Queensland, Western Australia at South Australia ang mandatory na PCR test, at kakailanganing magpa-test tatlong araw bago umalis sa pinanggalingang estado o teritoryo.
Simula Enero 17, papayagan nang bumyahe ang mga New Zealanders na may kumpleto na ang bakuna at iba pang eligible travellers sa New Zealand. Hindi na nila kailangang mag-quarantine sa hotel pero kailangangan pa ring mag-quarantine sa bahay ng hanggang pitong araw.
COVID STATISTICS:
NT: Nagtala ng 11 bagong kaso
Victoria: Nagtala ng 1,196 na panibagong kaso at tatlo ang namatay
NSW: Nagtala ng 248 na panibagong kaso at dalawa ang namatay
QLD: Walang bagong naitalang kaso
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: