COVID-19 Update: Moderna vaccine aprubado na para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 23 Pebrero 2022.

Gloved hands holding a Moderna COVID-19 vaccine vial

The Moderna COVID-19 vaccine will be available from tomorrow 24 February to children aged 6 to 11. Source: Aditya Sutanta/ABACA

  • Aprubado na ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang. Kalahati lamang ng dosis ng bakuna na matatanda ang ibibigay sa mga bata. Maaari nang makuha ang bakunang ito simula Huwebes, Pebrero 24. 
  • Nanguna ang Therapeutic Goods Administration sa buong mundo na aprubahan ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 6 hanggang 11 taong gulang. Inaasahang susunod na rin ang iba pang international regulators, ayon kay Adjunct Professor John Skerritt.
  • Magluluwag ng restriksyon sa mga paaralan ang New South Wales sa darating na Lunes Pebrero 28. Papayagan nang makihalubilo ang lahat ng estudyante sa ibang antas. Papayagan na din ang mga magulang at mga bisita sa mga paaralaan.
  • Hindi na kakailanganin magsuot ng mask ang mga high school sa NSW simula Lunes, Pebrero 28 at sa primary schools simula Marso 7. 
  • Inanunsyo din na hindi na kakailanganin sa mga paaralan sa NSW na mag- RAT test simula sa susunod na linggo. Bibigyan pa rin ng mga RAT test ang pamilya ng mga estudyanteng mangangailangan nito. 
  • Simula ngayong Biyernes, Pebrero 25, tatanggalin na din ang mandato na pagsusuot ng face mask sa ACT sa karamihan ng mga lugar. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask kung nasa pampublikong sasakyan, o kung nagtatatrabaho o bibisita sa mga ospital, residential aged care facilities, correctional facilities, sa airport o kung nasa eroplano, pati na rin sa mga nagtatatrabaho at bibisita sa mga paaralan. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask ang mga bata na nasa Year 7 hanggang Year 12 kapag nasa loob ng paaralan.
  • Nilinaw naman ni Queensland Premier Annastacia Palaszczuk kung bakit mataas ang naiulat na bilang ng namatay. Aniya kasama sa bilang ang nakukuha nilang ulat kada linggo mula sa Department of Births, Deaths and Marriages. 

 

Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa bakuna kontra COVID-19 sa iyong sariling wika

 



 

Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic

 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland   

 

South Australia   Tasmania   Victoria   Western Australia  

 



 

I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT 

 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland    

 

South Australia   Tasmania   Victoria    Western Australia

 



 

Alamin ang mga dapat at hindi mo dapat gawin, pati mga bagong restriksyon sa buong Australia 

 

Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, narito ang mga impormasyong makakatulong sa iyo


 

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna kontra COVID-19 sa iyong sariling wika 


 



 

Bisitahin ang SBS Coronavirus portal para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.

 

 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand