COVID-19 Update: Lockdown sa Northern Territory, tatagal pa hanggang pitong araw

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 16, 2021.

Kiongozi wa Wilaya ya Kaskazini Michael Gunner amewahamasisha wakaazi wa NT wafanye vipimo na wachanjwe

Ministro Chefe do Território do Norte, Michael Gunner fez um apelo para que comunidades indígenas se vacinem. Source: AAP Image/Aaron Bunch

  • Tatlong araw na lockdown sa Katherine, NT, magtatagal pa hanggang pitong araw matapos makapagtala ng siyam na panibagong kaso ang teritoryo. Lahat ng naitalang kaso ay mga Aboriginal Territorians. Hinihikayat ni Chief Minister Michael Gunner na mgapabakuna ang mga residente.
  • Border ng Queensland muling binuksan para sa mga babyahe mula NSW at kinakailangang mag-home quarantine.
  • Magsisimula na ang limang linggong imbestigasyon sa  St Basil’s Home for the Aged, kung saan pinakamataas ang bilang ng mga namatay kaugnay sa outbreak sa mga aged care facility.
  • Sumipa naman sa 46 porsyento e ang bilang ng mga tumawag sa National literacy hotline at The Reading Writing Hotline nitong Oktubr kaugnay sa mga nakakalitong mensahe tungkol sa pagbabakuna kontra COVID-19
  • Nakikipagtalo pa rin ang Victorian parliament tungkol sa mga batas na nais ipasa nito kaugnay sa pagsugpo ng pandemya, habang patuloy pa rin ang mga kilos-protesta kaugnay dito.
COVID-19 STATS

Nagtala ng797 na panibagong kaso ang Victoria at walo ang namatay

212 na bagong kaso naman ang naitala ng NSW at dalawa ang naiulat na namatay.

12 naman ang naitalang kaso sa ACT habang siyam ang naitala sa NT.

Samantala, umabot na sa 222 ang bilang ng naitalang bagong kaso sa New Zealand at isa ang naiulat na namatay. Ito na umano ang pinakamataas na naitalang bilang simula nang mag-umpisa ang pandemya.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, bisitahin ang website na ito.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory



Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand