Naitala ngayong araw ang ika-anim na kaso ng Omicron strain sa New South Wales. Isang lalaki na taga-Sydney na nasa kanyang 40s ang nagpositibo sa virus, kasunod ng iba pang naunang kaso na kasabayan nito sa flight noong Huwebes.
Ayon kay Chief Medical Officer Paul Kelly, bibilang pa ng dalawang linggo bago pa malaman ang magiging epekto ng Omicron variant.
Kinakailangang mag-isolate ng 72 oras at magpa-test ang lahat ng byaherong galing ibang bansa na papuntang New South Wales at Victoria. At kailangan ding magpa-test ulit sa ika-anim na araw ng pagdating sa NSW, habang sa Victoria naman ay sa ika-lima o ika-pitong araw, kahit tapos na ang pagka-quarantine.
Lahat ng byaherong galing sa walong southern African nations na papasok sa New South Wales (siyam naman sa Victoria) ay kinakailangang mag-quarantine ng hanggang 14 na araw.
Papatawan na ng NSW ng $5000 na multa ang sinumang lalabag sa quarantine o testing requirements. $10,000 naman ang multa para sa mga korporasyon na lalabag sa mga patakaran.
COVID-19 Statisitcs:
Nagtala ng 1,179 na panibagong kaso ang Victoria at anim ang namatay, 251 ang naitala sa NSW at walang bagong kasong naitala ang Queensland.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: