COVID-19 Update: Mga nurse sa NSW, nagsagawa ng kilos-protesta; Novavax vaccine, pwede nang i-book

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 15 Pebrero 2022.

Nurses hold placards during a nurses’ strike outside the NSW Parliament House in Sydney, Tuesday, February 15, 2022

Nurses protesting against understaffing and difficult work conditions outside NSW Parliament House in Sydney on 15 February 2022. Source: AAP Image/Bianca De Marchi

  • Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga nurse sa NSW para iparating ang kanilang hinaing na dagdag sweldo at mga empleyado para matugunan ang problema sa kakaulangan ng staff. Nagsimula ang kilos-protesta nitong alas syete ng umaga at magpapatuloy ito sa loob ng 24 oras. 
  • Kasalukuyang nagaganap ang kilos-protesta sa tapat ng Parliament House sa Sydney. 
  • Ikinadismaya ni NSW health minister ang naging desisyon ng unyon na magsagawa ng pag-aaklas matapos ipagutos ng Industrial Relations Commission na itigil ang protesta. 
  • Habang kasalukuyang nagpoprotesta ang mga manggagawa, hindi umano maaapektuhan ang mga serbisyo para makaligtas ng buhay sa lahat ng pampublikong ospital at serbisyong pangkalusugan. 
  • Maaari nang makakuha ng bakunang Novavax sa mga GP clinic, botika at vaccination hubs sa mga estado. 
  • Aprubado ang bakunang Novavax para gamitin sa mga may edad 18 pataas para sa una at ikalawang dose. Hindi pa ito maaaring gamitin para sa booster shot. 
  • Umaasa si Federal Health Minister Greg Hunt na magbibigay daan ito para magkaroon ng bagong bakuna na pagpipilian para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna. 
  • Maaari nang makita sa Vaccine Clinic Finder ang bakunang Novavax
  • Nagmulta ng $100 ang Victorian Opposition Leader na si Matthew Guy, dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa State Parliament. Nagmulta din ang apat pang MPs dahil sa hindi pagsusuot ng mask. 
  • Nagtala ang Victoria ng pinakamababang bilang ng naospital dahil sa COVID-19, buhat nang magumpisa ang taon. 
  • Tutulong ang Australian Defence Force sa aged care facilities sa Tasmania na tinamaan ng outbreak, ayon kay Deputy Premier and Health Minister Jeremy Rockcliff. 

RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 Update: Mga nurse sa NSW, nagsagawa ng kilos-protesta; Novavax vaccine, pwede nang i-book | SBS Filipino