- Kinailangan mag-isolate ng 180 katao sa isang paaralan sa Canberra dahil sa pinangangambahang pagkalat ng Omicron variant sa teritoryo.
- Nagtala ng panibagong anim na kaso ng Omicron variant ang NSW, at umabot na sa 31 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng bagong variant ng virus.
- Simula Disyembre 17, hindi papayagang makapasok sa mga non-essential places of business ang mga residenteng hindi pa bakunado sa Queensland
- Ayon sa Queensland health minister, konektado sa aged care facility ang nagpositibo sa virus na taga-Gold Coast. Sa ngayon, walang ibang naiulat na nagpositibo sa virus sa nasabing lugar.
- Napag-alaman naman sa survey ng Australian Red Cross na isa sa tatlong katao ay hindi nasasabik na magdiwang ng Kapaskuhan kumpara noong mga nakaraang taon, at 61 porsyento ang nangangamba sa kalagayan ng kanilang pamilya at kaibigang walang kasamang magdiriwang ng Kapaskuhan, kung hindi tatanggalin ang mga travel restrictions.
COVID-19 STATS
Victoria: Nagtala ng 1,185 na panibagong kaso at pito ang namatay
NSW: Nagtala ng 260 na community cases at dalawa ang namatay.
ACT: May naitalang tatlong kaso, at isa naman ang naitala sa Queensland
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: