- Kaso ng Omicron variant sa NSW, pumalo na sa 25. 14 sa mga ito ay nahawa sa komunidad habang 11 ay galing sa ibang bansa. Ayon sa mga awtoridad, siyam sa mga bagong kaso ay konektado sa cluster sa isang indoor climbing gym, at dalawa naman ang konektado sa dalawang paaralan sa Western Sydney.
- Nagdagdag naman ang South Australia ng mga bagong patakaran sa pagpapatest at pag-isolate para sa mga babayahe na galing Victoria, NSW at ACT. Ayon kay SA Police Commissioner and Emergency Coordinator Grant Stevens, hindi malayong isara nila muli ang border ng estado.
- 98 porsyento ng mga residenteng may edad na dose pataas, kumpleto na ang bakuna.
- Target ng Australian Medical Association sa WA na paabutin sa 90 porsyento ang vaccination rate para sa mga may edad lima pataas bago tuluyang buksan ang border ng estado. Plano din ng gobyerno na buksan ang border ng WA sa oras na maabot ang 90 porsyentong vaccination rate para sa mga may edad 12 pataas.
- Giit naman ni Tourism Minister Martin Pakula ng Victoria, buksan na ang border ng mga estado ngayong Pasko, kahit nariyan pa rin ang banta ng Omicron variant.
- Sinasabing mas mapanganib pa din ang Delta variant kumpara sa Omicron variant, ayon sa mga unang datos na nakalap ng mga awtoridad sa United States.
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: