COVID-19 update: Higit 70 per cent ng mga Australyanong may edad 16 pataas, kumpleto na ang bakuna

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 20, 2021

Australian Health Minister Greg Hunt (left) and Australia’s Chief Medical Officer Paul Kelly speak to the media during a press conference at Parliament House in Canberra, Wednesday, October 20, 2021. (AAP Image/Lukas Coch) NO ARCHIVING

Health Minister Greg Hunt (left) and Chief Medical Officer Paul Kelly during a press conference at Parliament House in Canberra, Wednesday, October 20, 2021. Source: AAP Image/Lukas Coch

  • Border restrictions ng Victoria sa NSW, luluwagan na 
  • Elective surgery ibabalik na ulit sa NSW
  • At ACT, nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19

Victoria

Nagtala ng 1,841 na panibagong kaso ang Victoria at labindalawa ang namatay. Umabot na sa 22,598 ang bilang ng mga aktibong kaso sa estado.

Simula ngayong araw, papayagan nang hindi mag-quarantine ang sinumang pupunta sa Victoria na may kumpleto nang bakuna.

Kakailanganin naman ng orange zone permit ang mga pupunta sa Victoria na manggagaling sa Greater Sydney. Kasama dito ang mga manggagaling ng Blue Mountains, Central Coast, Shellharbour at Wollonggong.

Para naman sa mga hindi pa kumpleto ang bakuna, kakailanganing magpatest sa loob ng 72 oras at mag-isolate hangga’t hindi nakakakuha ng negatibong resulta.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre

New South Wales

Nagtala ng 283 na panibagong kaso ang New South Wales at pito ang namatay.

Samantala, ibabalik na ulit ang mga non-urgent elective surgery sa Greater Sydney sa susunod na linggo matapos ipatigil ito sa kasagsagan ng pandemya sa estado.

Simula Lunes, papayagan na ang hanggang 75 per cent capacity sa mga ospital  at mga pribadong pasilidad sa Greater Sydney at Nepean Blue mountains region para sa mga isasagawang operasyon o surgery.

Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory



Share

Published

By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand