COVID-19 update: Pag-aaral ini-ugnay ang COVID infection sa miscarriage

Ito ang inyong COVID-19 update sa Australya ngayong ika 25 ng Hulyo

Experts advice pregnant women to exercise social distancing measures and good hygiene throughout their pregnancy. (file)

Experts advise pregnant women to exercise social distancing measures and good hygiene throughout their pregnancy. (file) Source: AAP/AP Photo/Charles Krupa

Nitong Lunes, mayroong nai-ulat na 36,000 bagong COVID infections at 32 namatay kabilang ang 19 sa South Australia at pito sa New South Wales (NSW).

Ang NSW at Victoria ay kapwa nag-report ng mahigit sa 10,000 bagong kaso ng COVID-19.

Alamin ang pinakahuling COVID-19 trends para sa bagong kaso, mga na-ospital at namatay sa Australya dito.
Ini-extend ng pamahalaang pederal ang suporta ng Australian Defence Force (ADF) para sa sektor ng aged care hangang Setyembre. Magpapadala ang ADF  ng karagdagang tao upang maibsan ang pressure sa staff.

Noong ika-22 ng Hulyo, mayroong pinangangasiwaan 1,013 active outbreaks sa mga residential aged care facilities. Ang pinakamalaking bilang ng outbreaks ay nasa NSW (322), sinundan ng Victoria (211), Queensland (219), South Australia (109) at Western Australia (103).

Nagsimula ngayong araw ang coronial inquest sa pagharap sa  COVID-19 outbreak sa Newmarch House sa  Sydney. Nag report ang aged care facility ng 19 na katong namatay na may kaugnayan sa  COVID-19 sa pagitan ng Abril at Hunyo 2020. 

Sa isang national study mula  UK  napag-alaman na ang mga nagdadalangtao na nagkasakit ng COVID-19 sa kanilang first trimester ay may mas malaking panganib ng miscarriage. Base sa median gestational age, na sinsusukat ang edad ng pagbubuntis, ang miscarriage ay nagaganap sa ika- siyam na linggo ng pagbubuntis. 

Naitanggi sa nasabing pag aaral na dapat siguruhin ang social distancing at pangalagaan ang kalinisan sa panahon ng pagbubuntis upang malimitahan ang panganib ng  impeksyon .

Nai-ulat sa Sydney Morning Herald ang may halos 4,000 bata sa NSW ang minultahan sa paglabag sa batas kaugnay ng COVID-19 mula noong simula ng pandemya. May ilang mga bata ang nakatanggap ng higit sa isang multa. 

Halos 800 bata ang inaasahang magbabayad ng multa sa pamamagitan ng work development orders, na siyang nag bibigay daan sa pagbaba ng halaga ng multa ng hangang $1000 bawat buwan sa pamamagitan ng paglahok sa unpaid work, mga kurso, counselling o treatment programs. 

Mga residente na nag-positibo sa COVID-19 ay maaring tumawag sa National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080 para suporta sa kalusugan o impormasyon.  

Maaring ma access ang clinical team 24 oras, araw-araw.

 

Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines sa wikang Filipino 


 

Hanapin ang  COVID-19 testing clinic

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland   

South Australia   Tasmania   Victoria   Western Australia  



I-register  ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive 

ACT   New South Wales   Northern Territory   Queensland    

South Australia   Tasmania   Victoria    Western Australia



Alamin kung ano o hindi ang maari ninyong gawin saan man sa Australia

Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories

Kung kailangan ninyo ng tulong pinansiyal, alamin kung ano-ano ang maraing pagpilian

narito ang ilang impormayson upang maunawaan ang COVID-19 jargon sa wikang Filipino 



Basahin ang mga impormasyon ukol sa  COVID-19 sa sariling wika sa  SBS Coronavirus portal

 


Share

Published


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand