COVID-19 Update: New South Wales at Victoria, magluluwag ng restriksyon simula bukas

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 17 Pebrero 2022.

Victorian Health Minister Martin Foley speaks to media at a press conference in Melbourne, Thursday, February 17, 2022.

Victorian Health Minister Martin Foley. Source: AAP Image/James Ross

  • Magluluwag ng restriksyon ang New South Wales simula ngayong Byernes, Pebrero 18. Tatanggalin na ang density limit sa mga hospitality at entertainment venues at gagamitin na lang ang QR check in kapag papasok sa mga nightclubs, ospital, at disability facilities, at kung pupunta sa mga music festivals na dadaluhan ng higit 1,000 katao.
  • Papayagan ang mga kantahan at sayawan sa lahat ng venues, maliban na lang ang mga music festival na di pa pahihintulutan hanggang Pebrero 25
  • Luluwagan na din ang mga patakaran sa pagsusuot ng face mask sa loob ng opisina o mga gusali, simula sa susunod na linggo. 
  • Magbabawas na din ng restriksyon ang Victoria simula Byernes, Pebrero 18, alas-sais ng gabi. Tatanggalin na ang density limit sa mga hospitality at entertainment venues sa estado. HIndi na din kakailanganin mag-check in sa mga tindahan, supermarket, eskwelahan, at sa mga childhood at early childhood education centres.
  • Para naman sa mga babyahe sa Victoria at New South Wales na galing ng ibang bansa at hindi bakunado, kakailanganin na lang mag-quarantine ng pitong araw, sa halip na 14 na araw. 
  • Maaari na makakuha ng Moderna COVID-19 vaccine ang mga batang may edad 6 hanggang 11 taon, matapos ito mabigyan ng provisional approval ng TGA. Matatandaang ang Moderna COVID-19 vaccine ay naunang inirerekomenda para sa mga may edad 12 pataas. 
  •  Nagsagawa na din ng kilos-protesta ang mga paramedic sa NSW, dalawang araw matapos magprotesta ang mga nurse sa estado. 
  • Opisyal nang nagbukas ang Queensland Regional Accommodation Centre, na gagamitin para sa mga pupunta sa estado para mag-quarantine. Ang pasilidad ay nagkakahalaga ng 48 milyong dolyar. At ayon kay Premier Anastaccia Palaszczuk, ang hakbang na ito ay bilang paghahanda para sa mga susunod na pandemyang haharapin ng estado. 
  • Ayon kay Steven Marshall, Premier ng South Australia, ipapatupad ang COVID-19 management plan at QR-Code check in para masigurong  'ligtas' daluhan ang Adelaide Fringe Festival, na nakatakdang magsimula bukas. 

RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand