COVID-19 Update: Astrazeneca aprubado na ng TGA para gamitin na booster shot

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 10 Pebrero 2022.

NSW Premier Dominic Perrottet

NSW Premier Dominic Perrottet Source: AAP

  • Nagbigay ng 'provisional approval' ang Therapeutic Goods Administration o TGA para sa paggamit ng  Astrazeneca bilang booster shot para sa mga may edad 18 pataas.
  • Iginiit din ng TGA na mas papaboran pa rin nito ang paggamit ng Pfizer at Moderna, kahit anupaman ang naunang nakuhang bakuna. 
  • Umabot sa 49 ang kabuuang bilang ng namatay ngayong araw sa NSW, Victoria, Queensland at Tasmania.
  • Inihayag naman ni Premier Dominic Perrottet na magkakaroon ng mga pagbabago sa mga patakaran sa mga pagbisita sa ospital matapos umani ng negatibong reaksyon mula sa mga pamilya na hindi man lang nakapagpaalam sa mga namatay na mahal sa buhay. 
  • Ayon kay G Perrotet, maaari nang mabisita ang mga pasyenteng may malubhang karaamdaman, malapit nang mamatay at mga manganganak sa ospital.
  •  Mula 1,906, bumaba na ang bilang ng mga dinala sa ospital sa NSW sa 1,795. 121 dito ay nasa ICU, mas mababa sa nakaraang bilang na 132 noong miyerkules. 
  • Sa ngayon, umabot na sa 1,600 ang kabuuang bilang ng namatay sa NSW dahil sa virus. 
  • Halos 48 porsyento ng mga residente ng Victoria ang nakakuha na ng booster shot. At nitong Miyerkules umabot na sa 14,863 doses ang naipamahagi sa estado. 
  • Daan-daan ang nagprotesta laban sa mandato na pagbabakuna at mga ipinapatupad na restriksyon sa labas ng parlyamento ng New Zealand noong nkaraang Martes.  
 Covid Stats:

Sa NSW, 1,795 ang naospital dahil sa virus, 121 ang nasa intensive care, 24 ang namatay at may 10,130 na panibagong kaso ang naitala ngayong araw. 

Sa Victoria, 543 ang nadala sa ospital, 75 ang nasa ICU, 23 ang nangailangan ng ventilator, 16 ang namatay at may 9,391na panibagong kaso ang naitala. 

Sa Queensland, 5,854 ang naitalang panibagong kaso at walo ang naiulat na namatay. 

Sa Tasmania, may isang namatay habang umakyat na sa 637 ang naitalang kaso ngayong araw. 

Sa ACT, walang naiulat na namatay at 500 ang naitalang panibagong kaso. 


RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Alamin kung ano ang mga pwede at hindi pwede gawin sa mga estado at teritoryo

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.


Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand