- Simula Marso 4, Biyernes, alas sais ng gabi, hindi na kakailanganing magsuot ng face mask sa Queensland, maliban na lang kung nasa ospital, residential aged care, disability accommodation, kulungan, airport, mga pampublikong sasakyan at eroplano. Tatanggalin na rin ang density limits sa estado.
- Simula Marso, ititigil na rin ang mga COVID-19 press conference sa Queensland
- Sa Victoria, tinanggal na ng gobyerno ang mandato na magtrabaho o mag-aral sa bahay na sisimulan sa Pebrero 25, Biyernes 11.59pm. Hindi na rin kakailanganing magsuot ng mask sa karamihan ng mga lugar, maliban na lang kung nasa pampublikong sasakyan, taxi, rideshare, eroplano, airport, ospital at mga care facilities.
- Sa mga paaralan sa Victoria, gagawing optional ang pagsusuot ng mask sa secondary level. Kakailanganin pa rin magsuot ng mask ang mga estudyante na nasa Year 3 at mga nagtatrabaho sa chidhood centres at primary schools. Ito ay dahil sa mababang antas ng nagpapabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11.
- Kinakailangan pa din magsuot ng face mask ang mga nagtatrabaho sa hospitality at retail venues, sa mga korte at correctional facilities.
- Simula sa susunod na linggo, ibabalik na ang lahat ng surgery sa mga ospital.
- Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt, bumaba na ng 90 porsyento ang bilang ng kaso ng COVID-19 simula ng pagbugso ng Omicron variant.
- Kulang sa kalahati ang binaba ng bilang ng mga naoospital, bunsod na rin ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng tinamaan ng COVID-19.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay bumyahe galing ibang bansa at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa iba't-ibang wika
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: Alamin ang mga benepisyo at tulong na pwede mong makuha sa Services Australia, sa wikang iba't-ibang wika.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa sbs.com.au/coronavirus
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: NSW, Victoria, Queensland, Western Australia, South Australia, Northern Territory, ACT, Tasmania.
- Impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa inyong sariling wika.
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: