COVID-19 Update: Karagdagang pagluluwag ng restriksyon, pinaghahandaan sa Victoria

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 29, 2021.

Melbourne's CBD is seen from the banks of Williamstown.

Melbourne's CBD is seen from the banks of Williamstown. Source: AAP

  • Karagdagang pagluluwag ng restriksyon sa Victoria, ipapatupad na mamayang gabi
  • Mga residente ng NSW, hinihikayat ng mga otoridad na magdiwang ng Halloween sa COVID-safe na paraan
  • Mga patakaran sa medical exemptions sa pagpapabakuna kontra COVID-19, hihigpitan pa ng Victoria

Victoria

Nagtala ng 1,656 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Victoria at sampu ang naiulat na namatay.

Sa ngayon, naghahanda na ang estado sa karagdagang pagluluwag ng restriksyon mamayang alas-sais ng gabi.

Sa unang pagkakataon, papayagan nang magbukas ang mga non-essential retail businesses at dadagdagan ang capacity limit ng mga restaurant, pub, at mga café.

Malaya na din makakabyahe ang mga residente sa buong Victoria at inaasahang dadagsa sa regional area ang mga residente ng Melbourne sa darating na Melbourne Cup long weekend.

Hindi na kakailanganing magsuot ng mask sa labas, pero obligado pa din itong isuot kapag nasa loob ng mga gusali.

Alamin kung saan may pinakamalapit na vaccination centre

New South Wales

Nagtala ng 268 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado at dalawa ang namatay.

Hinihikayat naman ang mga residente na magdiwang ng Halloween sa ligtas na paraan. Payo ng awtoridad na gawin ang pagtitipon sa labas at gumamit ng saradong lalagyan para sa mga kendi at tsokolateng ipapamigay.

 Alamin kung paano magpa-book ng vaccine appointment
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

NSW Travel & transport and Quarantine
VIC Travel permitOverseas travellers and Quarantine
ACT Transport and Quarantine
NT Travel and Quarantine
QLD Travel and Quarantine
SA Travel and Quarantine
TAS Travel and Quarantine
WA Travel and Quarantine

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Click here Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update  Smart Traveller  website. 




Isinalin sa inyong wika, COVID-19 Vaccination Glossary.

Isinalin sa inyong wika Appointment Reminder Tool.



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory 


Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

NSW 
Victoria 
Queensland 
South Australia 
ACT 
Western Australia 
Tasmania
Northern Territory



Share

Published

Updated

By SBS/ALC Content
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand