Latest

COVID-19 update: Pagbaba ng immunity ng mga tao kontra COVID-19, maaaring magdulot ng panibagong pagsipa ng mga kaso ayon sa mga eksperto

Ito ang inyong COVID-19 update ngayong ika-19 ng Setyembre

VICTORIA CORONAVIRUS COVID19

A worker hands out a surgical mask to a passenger at Southern Cross Station in Melbourne. (file) Source: AAP / JOEL CARRETT/AAPIMAGE

Key Points
  • Dagdag na 1.4 bilyong dolyar na pondo, ilalaan ng Australia para sa suportahan ang mga hakbang sa paglaban sa COVID-19 pagkatapos ng Setyembre
  • Mga commuters sa Victoria, pinatawan ng multa dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon
Ngayong Lunes, inanunsyo ni Health Minister Mark Butler na maglalaan ng dagdag na 1.4 bilyong dolyar na pondo para sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Aniya palalawigin pa hanggang Disyembre 31 ang mga hakbang para malabanan ang banta ng COVID-19 sa bansa, sa halip na magtapos ito ngayong katapusan ng Setyembre.

Sa kabuuan ng 1.4 bilyong pondo, $840 milyon ang ilalaan sa Aged Care Support Program at $48 milyon naman ang mapupunta sa 100 GP-led respiratory clinics.

$235 milyon naman ang gagastusin pambili ng PPE, gamot, at RAT kits para sa aged care, primary care, disablity care, First Nations health services at mga frontline healthcare workers.

Ayon kay Butler, patuloy pa rin ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

"Since the peak of that wave in late July, case numbers are down by about 85 per cent, hospitalisations are down by about 70 per cent."

"The number of aged care facilities who are experiencing outbreaks right now is down by more than three quarters, and the mortality rate is down by more than a half."
Iginiit naman ni Brett Sutton, Chief Health Officer ng Victoria sa kanyang tweet na apat na beses na nakakapagpababa ng panganib sa pagkamatay ang pagkuha ng ikalawang booster o ikaapat na vaccine dose.

Aniya, may ginagawa pang iba't-ibang klase ng bivalent boosters, pero iginiit nito na "ngayon kailangan kumuha ng booster shot."

Noong Linggo, inihayag ni G Sutton na mas maaari pang makaranas ang bansa ng mas malalang outbreak kumpara noon.

"The coming wave - if that's the term - may be driven more by the waning hybrid immunity (recent infection + vaccination) than by any particular variant. Make no mistake; the variants will come."

Sa ibang balita, nagpataw ng higit 100 multa at 181,000 na babala sa mga commuter na pasaway at hindi nagsusuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan.

Alamin kung saan may long COVID clinic sa inyong lugar


ACT 

New South Wales 

Northern Territory 

Queensland

South Australia 

Tasmania 

Victoria 

Western Australia



I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nakakuha ng positibong resulta.



ACT 

New South Wales 

Northern Territory 

Queensland

South Australia 

Tasmania 

Victoria 

Western Australia



Bago kayo bumyahe patungong ibang bansa, alamin ang pinaka huling travel requirements at advisories



Narito ang ilang COVID-19 jargon sa wikang Filipino



Basahin ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 sa sariling wika sa SBS Coronavirus portal

Share

Published

Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand