Driving in Australia: Paghahanda sa pagmamaneho

Mahalaga ang paghahanda bago ka mag-umpisang magmaneho sa Australya.

Preparing to drive

Preparing to drive in Australia Source: Getty Images

Ito ang ilan sa mga paraan upang ika'y makapaghanda sa pagmamaneho sa Australya:

1. Magbasa at mag-aral

Naglalathala ng kani-kanilang driving handbooks and mga iba't ibang estado sa Australya. Ang mga librong ito ay maaaring basahin sa print o online form.

Maaaring ma-access ang mga libro sa mga website na ito:

NSWNSW Government: Transport Road and Maritime Services

VICVicRoads

SAmylicence.sa.gov.au

WAWA Department of Transport

ACTACT Government Information Portal

NTnt.gov.au

TASDepartment of State Growth Transport
Driving Handbooks
Each state has a number of handbooks to help you become a safer driver. Source: Transport Road and Maritime Services, Department of Transport, ACT Government Information Portal, Department of State Growth Transport
              NSW                                    WA                                   ACT                                  TAS
Driving Handbooks
Driving handbooks are available on each state's website for free or for a fee Source: VicRoads, Northern Territory Government information and services, Department of Planning Transport and Infrastructure
                VIC                                                 NT                                                   SA

 


 
2. Subukan ang iyong kaalaman

Bago mo pa man maisip kumuha ng eksamen sa pagmamaneho, maghanap ng mga pagsusulit online na maari mong pag-praktisan.

Gamit ang mga eksamen na ito, makakasiguro kang hindi mo nakaligtaan ang mga mahahalagang impormasyon sa mga handbook. Marami rin sa mga tanong sa praktis na eksamen ang kasama sa mga totoong pagsusulit. 

3. Mag-practice

Ang pinakamahalagang paraan upang ika'y matutong magmaneho sa Australya ay sa akwtal na pagsasanay. Kasama sa pagsasanay ang pagkuha ng driving lessons. 
 
Ayon kay Victorian driving instructor Noel Tolentino, “I would recommend to invest some time and money…to learn how to drive properly…because it is your life and the life of others on the road.”

Habang maari kang magtanong at humingi ng tulong mula sa iyong mga kaibigan at kapamilya, importanteng dumaan sa mga leksyon sa ilalim ng isang propesyonal na guro.

Saad ni Mr Tolentino, base sa karanasan niya, nakadepende ang bilang ng leksyon sa karanasan sa pagmamaneho ng isang estudyante. Kung bago pa lang sa pagmamaneho ang isang indibidwal, mainam na katumbas ng kalahati o kabuuan ng edad niya ang oras na ilalaan sa driving lessons. Halimbawa, ang isang 18 na taong gulang ay maaring mag-aral ng 9 o 18 na oras.

BASAHIN DIN
PAKINGGAN DIN

Share

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand