14-anyos na Pinay tennis star sumabak sa 2020 Australian Open Juniors tournament

14-year-old Filipina tennis star Alex Eala competes at the 2020 Australian Open

14-year-old Alex Eala competes for the 2020 Australian Open Juniors tournament. Source: Rafael Nadal Academy Facebook

Pagdating sa anumang larangan ng sports, hindi maikakailang bida ang mga Pinoy. Patunay dito ang 14-anyos na si Alex Eala sa kanyang pagsabak sa Australian Open Juniors tournament sa Melbourne.


Tinalo ng 14-anyos na si Alex Eala ang 18-anyos na kalabang si Shavit Kimchi na pambato ng Israel sa score na 6-0, 4-6, 6-2. Dahil dito, umabante na si Alex sa pangalawang round ng Australian Open Juniors tournament.

Nag-qualify ang dalagita sa Australian open bilang wildcard. At sa kanyang pagsisimula ngayong taon, nakamit niya ang World No.9 na ranking sa juniors circuit.

Sino si Alex Eala?

Nagiging matunog na ang pangalang Alex Eala sa larangan ng tennis.

Sa edad na 14 anyos ay masasabing sumusunod siya sa yapak ng mga tanyag na atletang Pinoy. 

Unang naging laman ng headlines si Alex matapos ang kanyang stint sa US Open Juniors noong nakaraang Setyembre 2019.

Nagmula si Alexa sa pamilya ng mga atleta. Bronze medallist ang kanyang ina sa 1985 Southeast Asian Games sa larangan ng swimming, habang ang kanyang kapatid na lalaki naman si Michael Francis ay maituturing na 'rising star' sa larangan naman ng tennis.

Siya din ang unang Pinay na nakapasok sa Grand slam tournament at sa kasalukuyan, siya ay iskolar ng Rafa Nadal Academy.

Pagbalanse ng pagsasanay at pag-aaral

Aniya, bagama't mahirap ang mga pagsasanay sa tennis, disiplina at focus ang kailangan.

'When I'm able to go to class, siyempre tutok talaga sa studies. Pero kapag tournament, focus din sa tournament."

Ipinanganak na kampeyon

Inamin din ni Alex na 100% ang kanyang dedikasyon sa tennis at gustong-gusto niya ang pakiramdam na laging nananalo.

"It takes a lot of passion to do this every day. I like how competitive it is , I like how I can improve in the different areas of it lalo na in a match, super focus ka you don't think about anything esle. When I win, I worked really hard and winning, feels amazing."

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
14-anyos na Pinay tennis star sumabak sa 2020 Australian Open Juniors tournament | SBS Filipino