Nakipag-team up si Alex Eala kay Priska Nugroho ng Indonesia at sila ay pasok na sa round 2 ng 2020 Australian Open Juniors tournament.
Tinalo ng magpares ang duo mula Russia na si Elina Avanesyan at Lyubov Kostenko ng Ukraine sa tatlong sets, 7-5, 4-6, 1-0 (10-8).
Lalaban para sa parehong singles at doubles event si Eala sa junior grand slam.
Noong Linggo sa opening round ay tinalo ni Eala si Shavit Kimchi ng Israel at haharap siya kay Julie Belgraver ng France ngayong araw.
Maglalaro ang dalagita sa parehong singles at doubles ngayong araw.
Umaasa ang Rafael Nadal Academy scholar na makakapasok siya sa susunod na round.