Sikat sa buong mundo ang Greek alphabet matapos hinango sa mga letra nito ng World Health Organisation ang variant ng Covid-19.
At pinag-uusapan ngayon ng lahat ang mas nakakahawang Omicron variant.
Highlights
- May pitong variants na nadiskubre ang WHO, kinabibilang ng Alpha, Beta, Gamma, Delta and Omicron ang variants of concern habang variants of interest naman ang Lamda and Mu.
- Ayon sa isang Professor ng Ancient History na si Ian Worthington ay para mawala ang stigma o dungis ng mga bansa kung saan unang nadiskubre ang variant.
- Ginagamit ng WHO ang Greek letters, kapag variant of concern at variant of interest ito, ibig sabihin mas mabilis nakakahawa, mas mapanganib at may posibilidad na di tatalab ang bakunang gamot.
Makinig sa podcast
Kaya may babala si World Health Organisation Director General Tedros Ghebreyesus.
"Hindi natin inaasahan na ang Omicron ay nakakahawa ng ganito katindi at mapanganib, kaya nababahala kami dahil parang binabaliwala ng mga tao ito, ang totoo sobrang mapanganib ang Omicron variant."
Paliwanag ng WHO nasa pitong “variants of concern” at “variants of interest” pa ng mutation ng Covid-19 ang kanilang natuklasan at lahat sila ay pinangalan sa letra ng Greek alphabets.
Kabilang sa variants of concern ay ang Alpha, Beta, Gamma, Delta and Omicron at ang variants of interest naman ang Lamda at Mu.
Ayon sa isang Professor ng Ancient History na si Ian Worthington dalawang rason kung bakit ginagamit ng WHO ang Greek alphabet sa mga nadikubreng variants.
"Isang tradisyon na ang paggamit ng Greek letters sa maths at science mula noong unang panahon. Ang sinaunang Greeks ang nagsimulang gumamit pi, sigma, at alpha na hanggang ngayon ginagamit natin."
Isa sa mga rason sabi ni Worthington ay para mawala ang stigma o dungis ng mga bansa kung saan unang nadiskubre ang variant.
"Lahat nagsasabi COVID, China or COVID, Brazil or COVID, kahit saan man nadiskubre ang variant, sa totoo lang nakakasira ng pangalan ng bansa kaya sa paggamit ng Greek letters wala ng mag-iisip ng mali at naiintindihan agad."
Ang sinaunang Greek alphabet, ay mula sa Phoenician alphabet, at gumagamit ito ng simbolo at letra para sa katinig at patinig o consonants at vowels sa ika-8 o 9 na siglo.
Sa ganun ding panahon gumawa ng mga pagbabago sa paksa sa maths at science ang sinaunang Greeks kung saan bahagi ang Greek alphabet.
Ayon kay Professor Alexandra Martiniuk na isang eksperto sa epidemiology mula University of Sydney. Lahat ng Covid-19 ay may scientific name, tulad ng variant na nadiskubre mula India ay hindi na tinatawag na B1.1.6.7.2 dahil ang scientific name ay Delta, na syang pang-apat na letra sa Greek alphabet.
Dagdag nito nagiging madali din ang komunikasyon kaya ginagamit itong sistema ng mga awtoridad.
"Hirap gamitin ng lahat ang komplikadong pangalan o scientific names, at pinipili din namin na hindi magamit ang pangalan ng tao, bansa o pangalan ng lugar, kaya nag-iingat din kami sa paggamit ng ancient Greek alphabet."
Paliwanag pa nito maraming pagbabago o mutations ang Covid-19 pero hindi lahat ng variants pinangalanan, dahil seguradong mauubusan ng letra ang Greek alphabet. Pinangalanan lang ng WHO ang mga variants na tinaguriang “variants of concern at variants of interests”.
Dahil ang variants na ito ay mas mataas ang potensyal na nakakahawa, mas mabagsik at may potensyal din na hindi tumatalab ang bakunang gamot.
Saad din nito ayaw din ng WHO na malito ang tao, kaya may pagkakataon na hindi ginagamit ang ibang letra sa Greek Alphabet.
"Ang mga letra kasi dun may xi, o kee, at karamihan sa ganun na word ay kapangalan ng mga taga-Tsina at ayaw namin madungisan o ma-stigmatise ang mga tao. Ibang Greek letters ginamit na sa pangalan ng bagyo, baka malito ang tao kaya naghahanap kami ng maigi dun sa Greek alphabet din."
Ani Professor Martinuik, dahil bente-kwatro lang ang letra ng Greek alphabet at kapag dumami ang variants na dapat pangalangan, inisip ng WHO na maaring gamitin ang sinaunang Greek gods pero lumabas na mas nakakalito at hirap pang sabihin o i-pronounce ang pangalan, gaya ng ng Zeus, Poseidon, Artemis, Athena at Aphrodite.
"kapag ubos na ang Greek alphabet, sa pagkakaalam ko gagamit ang WHO ng pangalan ng bituin o star names. At para maiwasan ang pagkalito hindi nila gagamitin ang mga pangalan na ginamit na."
Sa ngayon, hinikayat ng WHO ang media at mga bansa sa buong mundo na gamitin ang Greek alphabet na pangalan ng variant ng Covid-19. Pero paalala nito may technical terms na kanilang ginagamit para sa patuloy nilang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa virus na patuloy na humahamon sa buong mundo.