Australia bukas na ang borders para sa international flights

Family reunion

A family is reunited in international arrivals terminal at Tullamarine Airport in Melbourne, Monday, November 1, 2021. Source: AAP image/James Ross

Bukas na ang international borders ng Australia partikular na sa estado ng New South wales at Victoria, matapos patuloy na tumataas ang bilang ng mga bakunado.


Highlights
  • Kampante si Home Affairs Minister Karen Andrews na maging maganda ang dulot ng pagbubukas ng international borders ng Australia, dahil sa patuloy na pagtaas ng vaccination rate ng bansa
  • Higit 77 porsyento ng mga Australians na may edad 16 pataas ay kompleto na ang bakuna, habang 88 porsyento ang nakatanggap ng unang dose
  • Ang pagbubukas ng Sydney at Melbourne ay nagbigay pag-asa sa bansa at ang mga bakunado ay maari ng makapagbyahe sa iba't-ibang NSW regional areas
Puno ng emosyon ang mga tagpo sa mga paliparan  sa buong australia kahapon. Dahil silang mga Australians na  kompleto na ang bakuna  laban sa covid-19, ang kauna-unahang pinayagang makapagbyahe  pauwi sa kani-kanilang mahal sa buhay  ng wala ng quarantine.

Ito'y bahagi ng pagluluwag ng resktriksyon, pati na din sa mga  international arrivals  ng estado ng New South Wales at Victoria simula kahapon.


 

 

Ang mga tagpong ito ay matagal na ding hindi nangyari matapos  isinara ng halus dalawang taon ng mga estado ang kani-kanilang mga borders dahil na din sa dalang peligro ng Coronavirus.

 " Napakasaya ko na nakauwi  5 weeks ako nasa UK dahil namatay ang Mum ko," sabi ng isang pasahero.

 " Naiiyak ako sa saya habang sakay ng eroplano, parang nabunutan ako ng tinig dahil nakakauwi na," kwento pa ng isang babaeng pasahero.

" Sobrang saya dahil wala na ang quarantine basta bakunado na," dagdag pa ng isang pasahero.

Ayon sa Deputy Leader ng  New South Wales Nationals Stuart Ayres ang pagbukas  ng  Sydney Kingsford Smith airport ay nangangaluhulugan  ng pag-asa matapos ang pandemya.

"Ang araw na ito ay hindi lang nagbukas sa Sydney, kung hindi tagumpay ng buong bansa. At ang maganda pa dito ay maari ng makapagbyahe angs sa mga NSW regional areas, itoy dahil sa mataas na vaccination rate."

Kampante naman si Home Affairs Minister Karen Andrews  sa pagbukas ng international border ng bansa dahil sa mataas na vaccination rates laban sa virus.

Sa buong Australia,  higit 77 per cent ng mga Australians  na may edad 16 taong gulang pataas ay kompleto na ang bakuna habang 88 per cent ang nakakuha ng kanilang unang dose.

Kaya sabi ni New South Wales Premier Dominic Perrottet, nangangahulugan lang ito na silang mga Australians na nahiwalay sa kanilang mahal sa buhay ng maraming buwan at ang ilan ay taon ang binilang ay pwede ng mag-reunion. Dahil na din sa  patuloy na pagbaba ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa estado kada araw.

Sa datos ng NSW Health, higit 93 porsyento na kasi ng mga indibidwal  na  may edad  16 pataas ang may first dose na ng bakuna, habang 88 per cent sa NSW ang fully vaccinated .

Bagay na inamin  ni Premier Perrottet, isang malaking tagumpay para sa lahat.

"Ang talagang susi dito ay taas ng vaccination rate, parang kailan lang hirap maabot ang vaccination target pero ito na ang magandang resulta. Pero kailangan pa nating gawin ang lahat sa tama, para safe lahat."

Samantala, sa estado ng Victoria, kahit nakatungtong pa din sa higit isang libong ang tinatamaan ng virus kada araw, umaakyat naman ang bilang ng mga bakunado.

Sa ngayon, higit 81 per cent  na ng mga Victorians na may edad 16 taong gulang pataas ang kompleto na ang bakuna.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand