Gusto mo bang maging Australian citizen?
Pag-usapan natin ang isa sa bahagi ng proseso para maging Australian Citizen, ang citizenship test.
Alamin ang mga pangunahing salita at kaalaman na lalabas sa pagsusulit. Matuto at mag-practice kasama si TJ Correa at panauhing migranteng Pinoy na kakapasa lamang sa test. Ang unang episode ay nakasentro sa ikalawang bahagi ng Australian Citizenship: Our Common Bond booklet, ang mga demokratikong paniniwala, karapatan at kalayaan ng Australia.
Paunawa: Ang mga karanasan na naibahagi sa podcast ay indibidwal na karanasan at maaring iba sa magiging karanasan mo at ng iba pa. Puntahan ang wesbite ng Department of Home Affairs: Australian Citizenship para sa mga panuntunan at detalye ng inyong personal na aplikasyon.
Credits:
Sound design: Max Gosford
Music composition: Rick Bull
Check out other episodes from this series

Ang Australia at ang mga mamamayan nito | Episode 1