Bagong dating na mga Pinoy sa Australia, nalilito sa paghain at pagbabago sa Income Tax Return

Thumbnail.png

Registered Accountant Lorelei Lorelei Ramirez (left photo) and newly arrived Filipino migrants in Australia (right photo). Credit: Supplied

Ibinahagi ng isang accountant ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga bagong patakaran at proseso ng paghahain ng Income Tax Return sa Australia.


Key Points
  • May magandang at hindi magandang dulot ang mga bagong patakaran sa pagbabayad ng buwis ayon sa registered accountant na si Lorelei Ramirez.
  • Ilang bagong dating na Pilipino sa Australia ay tila naguguluhan sa proseso ng pag-file ng tax return.
  • Base sa Australian Bureau of Statistics, ang mga migrante na nagbabayad ng buwis ay nag-ambag ng $112 bilyon na kabuuang personal na kita noong 2019.
Ilang bagong dating na mga migranteng Pilipino sa Australia ang doble kayod para mas makaipon pero ngayong paparating ang paghahain ng income tax return, aminado ang mga ito na wala pang kaalaaman.

Ang international student na si Ryan Manalo, maglilimang buwan pa lang sa Australya ngunit daan-daang oras na ang kaniyang iginugol sa pagtatrabaho.
Ryan Manalo.JPG
International Student Ryan Manalo Credit: Supplied
Dating guro si Ryan na tubong Mariveles, Bataan, at dumating siya sa Perth nitong Enero ngayong taon upang mag-aral.

"Yung sa pag file ng income tax, actually wala talaga akong idea so nagtatanong tanong pa rin ako kung paano mag file ng ikaw lang kasi kapag nag hire ka ng accountant malaki yung bayad. Sa ngayon, hindi ko parin naasikaso kung paano yung gagawin ko," saad ni Ryan.

Kagaya ni Ryan ay halos kakarating din sa Perth ni Grace Libalib para magturo at mag-aral.

Simula Pebrero ay nagkaroon na ng tatlong klase ng trabaho si Grace at ngayon pa lang ay inaalam na niya ang patakaran sa paghain ng tax return.

"Noong una, wala po talaga akong idea, clueless talaga ako kung ano ba yan. And then nababasa ko lang sa Facebook na may sinasabi sila na yung mga binibili raw na gamit, i-save yung mga resibo kasi baka matax refund, tapos ayun inaral aral ko siya, nagtanong ako rito sa tinitirhan kong bahay and they told me na may mga agencies daw po na nag assist daw," kwento ni Grace.
Grace Libalib.JPG
International Student Grace Libalib Credit: Supplied
Ang Australian Taxation Office o ATO ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan ng Australya na nangongolekta ng buwis o revenue. 

Nakalahad sa tax return ang halaga ng income o kita, kasama ang mga nakaltas o nabawas para sa buwis mula sa unang araw ng Hulyo nang nakaraan taon hanggang sa huling araw ng Hunyo ng kasalukuyang taon o tinatawag na financial year.

Ang impormasyong ito ang magiging batayan ng ATO upang kalkulahin at malaman kung kinakailangan bang magbayad ng dagdag na buwis o kailangang ibalik ang ilang halaga mula sa naikaltas sa sahod, na siyang inaasam ng karamihan.

Ipinaliwanag ni Lorelei Ramirez, isang Registered Accountant sa Sydney, ang mga pangunahing kailangan para sa maayos na pagsumite ng tax return.
The key to successful lodging is to make sure you start early.
Registered Accountant Lorelei Ramirez
"We aim to file on time and then try to understand the requirements. If you have these things, you should have accurate figures in your documents, but you need to take note now."

"Your period coverage starts from the 1st of July of the financial year up until the following year on the 30th of June. So the deadline for filing is actually from the 31st of October of that year."

"The initial requirements must be at least you have applied for your tax file number. As a rule of thumb, as I said, general, we just keep your receipts with you all the time for the year, at least in the next five years," paliwanag ni Lorelei Ramirez.
Lorelei Ramirez.jpg
Registered Accountant Lorelei Ramirez
Malaking bagay anya na may mga resibo bilang ebidensya sakaling tawagan at ma-audit ng ATO.

Dagdag ng accountant na madaling aralin ang pag-file ng tax at kaya itong gawin ng mga mismong taxpayer.

Ngunit kung nalilito pa rin, hinikayat niya na humingi ng tulong sa mga propesyonal at maari ding makipag-ugnayan sa ATO sa numero bilang 13 28 61.

Mapapakinggan ang buong detalye ng ulat sa podcast.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand