Mga buntis hinihimok ng mga doktor na magpabakuna kontra Covid-19 para iwas pati mga sanggol sa sakit at pagkamatay

Pregnant woman taking a vaccination

Pregnant woman taking a vaccination Source: Moment RF

Maliban sa mga may sakit at matatanda, namemeligro ang buhay ng mga buntis pati mga sanggol sa kanilang sinapupunan dahil sa Coronavirus. At ngayong bakuna lang ang natatanging depensa ng lahat, mga doktor ay nananawagan sa lahat ng mga buntis, nagpapasuso at bagong panganak na magpabakuna para ligtas pati mga bata sa nakamamatay na virus.


Highlights
  • Ayong kay Dr Clare Whitehead, isang obstetrician at Senior Research Fellow sa University of Melbourne, ang mga buntis na na-oospital ay may mataas ang tsansang magka-komplikasyon
  • Ang mga buntis na tinamaan ng Covid-19 ay mataas ang peligro na magkakaroon ng stillbirth o pagkamatay ng bata sa sinapupunan o premature ang bata
  • Ayon kay Dr Alison Fung, isang maternal fetal medicine sub specialist sa Mercy Hospital for Women, ang mag-asawang planong magka-anak, mga inang kapapanganak lang, nagpapsuso ay dapat magpabakuna para protektado dahil napapasa ang antibodies sa mga bata kahit nasa sinapupunan o sa gatas ng ina
Masilan ang kondisyong ng mga buntis, ika nga sa pagkakataong ito ay parang tumatawid sila sa  hibla ng buhok. At ngayong patuloy na  lumulubo ang bilang ng mga tinatamaan ng Coronavirus sa buong mundo, dagdag alalahanin ito sa mga magiging ina. Kaya nag-abiso na ang mga doktor kailangan magkaroon ng sapat na depensa ang mga ina para sa kanilang sarili ang magiging mga anak.

Sabi ni Dr Vijay Roach,  ang Presidente ng  Royal Australian and New Zealand College of Obstetricians and Gynecologists,   ang bakuna kontra Covid-19 ay makakatulong para hindi malagay sa peligro ang bata at ang mismong ina.


 

 

" Isa lang ang gusto namin sabihin, ang Covid-19 ay may dalang peligro lalo na sa mga buntis at sanggol sa kanilang sinapupunan kaya magpabakuna na, " sabi ni Dr. Vijay Roach.

Nang kumalat ang virus  dito sa Australia noong 2020  nabahala na si Dr Clare Whitehead, obstetrician at Senior Research Fellow sa University of Melbourne dahil seguradong malalagay sa peligro ang buhay ng mga buntis, kaya dapat  bigyan ng agarang atensyon ng mga healthcare professionals.

" Bilang isang doktor nababahala kami sa kalusugan ng mga buntis at sanggol sa kanilang sinapupunan, lalo na ang Delta variant. Kapag tamaan ng virus ang mga buntis ng virus mataas ang tsansa ng komplikasyon."

Dagdag ni Dr Whitehead silang mga buntis na tamaan ng virus at ma-oospital mataas ang tsansang magkakaroon ng komplikasyon. Isa sa tatlong  buntis  na na-oospital  dahil sa Codi-19 ay kailangan ng oxyen para makahinga at isa sa pito din ang kailangan ilagay sa intensive care unit. 

" Kapag nasa ICU na sila, kinakabitan na ang tubo para makahinga at kritikal ito para sa mga buntis lalo na kapag may diabetes, high blood pressure at overweight."

At sabi ni Dr. Roach kadalasan nalalagay pa sa panganib na dala ng virus ay silang mga migrant sa mula sa ibang bansa, dahil hindi takot silang magpa-doktor o at magpa-ospital dahil hindi sila nakakaintindi o hirap mag-English. 

" Kailangan i-reach out natin ang mga inang ito dahil, namemeligro ang kanilang buhay. Dapat bigyan sila ng impormasyon na kanilang naiintindihan," dagdag ni Dr Roach.

Nadiskubre din ni Professor Michelle Giles, na isang  Infectious Diseases Physician sa Monash Health, na halus lahat ng mga buntis na nasa ospital ay hindi bakunado.

Kaya pinunduhan ng Federal na gobyerno  ang bakuna para sa mga ito para sa  gamot na mRNA vaccines at Pfizer. At ngayong sapat na ang supply ng Moderna vaccines sabi ni Professor Giles, ligtas itong gamitin para sa mga ina at mga sanggol sa kanilang sinapupunan.

"Ang bakunang ito ay binigay na sa maraming buntis sa buong mundo. Kaya kampante kami na dapat magbakuna din ang mga buntis natin dito sa bansa,"  

Dagdag pag ng Professor, ang mRNA vaccine ay ligtas at hindi ito nakakahawa base sa kuro-kuro ng marami.

" Ang M ay nangangahulugan na messenger ng  RNA at kapag naiturok ito sa katawan, nagbibigay ito ng instruction sa katawan na magproduce ng isang klase ng  protein at ito ay parte ng Ovid virus at ang protein na ito ang mag-contribute sa virus na infectious"

"Kaya ang bakuna, hindi nakakahawa, nagbibigay lang ito ng instruction sa cell ng muscle natin para magproduce ng protein, na syang nasa ibabaw ng cell ng tao."

Pinabulaanan din ng mga eksperto ang maling kuro-kuro tungkol  sa mRNA technology na ginamit sa paggawa ng bakuna. Sabi ni Professor Giles ligtas ito para sa ina at sa sanggol.

"kapag may protein na ang mRNA ang syang mag-breakdown.  At hindi ito nadadala ng bakuna sa DNA ng bata, hindi din ito napapasa sa placenta kung saan naroon ang sanggol. Ang vaccine ay nasa muscle cells at mawawasak na."

Ang antibodies na nabuo sa  katawan  ng ina ay ang sya lang napapasa sa sanggol sa tiyan.

" Importante ang antibodies, dahil ito ang magiging proteksyon  sa bata na nasa sinapupunan at kung bakunado ang isang nanay na nagbreastfeed ito ay sasama sa gatas ng ina," paunawa ni Professor Giles.

Base sa nangyayari sa ibang bansa, ang mga buntis na tinamaan ng virus ay mataas ang tsansang ang kanilang mga sanggol ay namamatay bago pa man naisisilang  o kaya buhay ito pero lumalabas ng mas maaga . Mahihina din ang kanilang mga sanggol ng mailabas o kaya kailangan ilagay sa  newborn intensive care. 

Tinagurian naman na maswerte  Dr Nisha Khot,  ang obstetrician at Councillor sa The Royal Australian and New Zealand College of Obstetricians and Gynecologists,   silang mga  buntis na nasa Australia dahil  hindi nalagay sa peligro ang kanilang buhay, pati ang mga sanggol di gaya sa mga nagdadalang  tao sa ibang bansa.

"Ilang milyong buntis ang nabakunahan ng mRNA vaccines at naging ligtas naman ang mga ito. Kaya huwag maniwala dahil hindi totoo , na makunan kapag nagpabakuna, hirap maglabour at mamamatay ang bata."

Gaya ng ibang bakuna, ang Covid-19 vaccine ay may mga posibleng  dalang side effects, pero hindi naman ito malubha. Kabilang sa side effects matapos ang  vaccine ay ang pananakit sa bahangi kung saan itinurok ang injection, lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at joint pains  pero agad naman itong napapawi makalipas ang dalawang araw.

 

 

Payo din ni Dr Alison Fung,  na isang  maternal fetal medicine sub specialits sa Mercy Hospital for Women  hindi lang mga buntis ang dapat magpabakuna pati din silang nagpaplanong mabuntis .

" Walang report na nagkaproblema sa fertility pagkatapos  nabakunahan ng mRNA. Kaya silang nagpaplanong magka-anak, hindi makaka-apekto ang bakuna sa fertility ng babae at lalaki."

Kasabay ng mga nagdadalang tao at gustong magka-anak, dapat ding magpabakuna kontra Covid-19 silang mga  kapapanganak lang at nagpapasuso o nag-breastfeed para maipasa ang antibodies ng ina,  nang maging protektado ang  pinakamamahal na anak.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand