Key Points
- Taong 2014 noong dumating si Fr Litoy Asis sa St Brigid's Church sa Melbourne.
- Marso 19,1987 noong siya ay na-ordain sa pagka-pari.
- Si Fr Litoy Asis ay isang diocesan priest mula Daet, Camarines Norte.
Bawat isa sa atin ay may sariling kwento, kwento ng pagsiismulang muli, ng hamon, kabiguan at tagumpay. Kwento may halong pananalig, pag-asa at bayanihan. Ito ang mga mga natatanging kwento ng mga Pinoy sa Australya.
Noong bata si Fr Joselito 'Litoy' Asis siya ay nagkasakit ng pulmonya. Matagal na panahon bago siya naka recover, isang taon siya tumigil sa pag-aaral. Nagdasal ang kanyang ina sa Our Lady of Candelaria, kung gumaling ang anak ay ipinangako niyang maging pari ito,
Ang pangako ito'y napagalaman lamang ni Fr Litoy noong siya ay na ordain na bilang pari.