Habang naging puno ng pagsubok ang kakatapos na taong 2020 dahil sa pandemya, dapat naman nating paghugutan ng lakas ang ating mga pinagdaanan upang ang bagong taon ay higit na magdala sa atin ng ginhawa at kabutihan lalo na para sa ating kalusugan.
"We hope for a better 2021, healthier and more normal life for all of us. May we all adapt to the new normal with social distancing, wearing of masks and virtual engagements," ang hangad ni Philippine Consul Melanie Diano sa ngalan ng buong pamunuan ng Philippine Consulate General Sydney.
Mga highlight
Ang mga aral ng taong 2020 ay siyang panangga natin sa ating mga haharapin pa sa taong 2021.
Pinakamahalaga na bigyang pansin ang kalusugan ng bawat isa dahil patuloy pa rin ang pagharap natin sa pandemya.
Dapat na ituloy ang suporta at pagtutulungan ng bawat isa para pagsunod sa mga hakbang para maiwasan ang COVID-19.
Umaasa din si Consul Diano na sa pagdating at higit na pamamahagi ng mas maraming bakuna para COVID-19 sa buong mundo, nawa'y muli tayong makabalik sa trabaho, makabiyahe at magsama-sama bilang isang komunidad.
Para naman sa mamamahayag na si Michelle Baltazar, mahalaga na higit pang bigyan ng pansin ang kalusugan ng ating kaisipan sa taong 2021.
"It's important to not stress-out so it's okay if 2021 is not a year of big resolutions but just keeping yourself and your family safe," anang pangulo ng Kababaihang Rizalista - Sydney Chapter.
Kalusugan din ng isip ang nais na pagtuunan ng pansin ng student leader na si David Joshua Delos Reyes, at panawagan niya sa lahat na suportahan ang mga kakilala na may mga pinagdadaanan.
"If you do have friends who are struggling, give them a call. You do not know kung gaano ito ka-importante sa kanila," mensahe ng kasalukuyang pangulo ng Filipino Student Council of New South Wales.
Suporta din at patuloy na pagtutulungan ng bawat isa sa komunidad ang hiling ng hiling ng pangulo ng FILSPARC (Filipino Sports Arts & Recreational Club).
Aniya, ito ang magiging susi upang makakawala tayo at makatulong sa pagtapos sa ating kinakaharap na krisis sa kalusugan.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN