Healthcare workers sa NSW mag-aaklas para ipaglaban ang kanilang mga hinaing

An ICU Registered nurse caring for a COVID-19 positive patient

A supplied image of ICU Registered Nurse Shaunagh Whelan (right) caring for a COVID-19 positive patient in the ICU of St Vincents Hospital in Sydney. Source: AAP Image/Supplied by Kate Geraghty

Gobyerno ng NSW nakatuon ang atensyon sa health care workers ng estado, matapos idadaan nila sa pag-aaklas ang kanilang mga hinaing. Samantala, mga opisyal ng Queensland magtatayo ng satellite hospitals para mabawasan ang pressure sa kanilang pangunahing ospital.


Pakinggan ang audio:
Libo- Libong mga health care workers sa buong New South Wales ang inaasahang magprotesta ngayong araw ng Martes.  

Kabilang sa lalahok ang mga nurses at paramedics para sa agarang aksyon sa hinihiling na dagdag-sweldo at empleyado na tutulong sa mga ospital lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Highlights

  • Code Brown health alert sa Victoria tinanggal na simula Pebrero 14
  • Covid Testing Commander Jeroen Weimar inihayag ang kahalagahan ng booster shots
  • Gobyerno ng Queensland isinapubliko ang planong pagtatayo ng pitong satellite hospitals, konstraksyon magsisimula bago matapos ang taon

Paliwanag ni NSW Premier Dominic Perrottet , nakipagpulong na ang kanyang Health Minister sa unyon at umaasang magkakaroon ng kasunduan at solusyon sa mga hinihiling ng mga frontliners.  

"Ang lahat ng mga manggagawa, frontline workers sa buong estado na buong pusong naglingkod lalo na ngayong may pandemya. Gusto kong malaman nyo na mahalaga kayo at gusto namin kayong suportahan at umaasa ako na magkasundo at mabigyan ng kasagutan ang inyong mga hiling. Hindi man agad mangyayari yan pero matuloy naming tatrabahuin para matupad ang nasa kasunduan."


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand