Paano maipapasa ng mga lolo’t lola ang kultura at relihiyon sa susunod na henerasyon?

Pilipino Elderly Association Southeastern Region (PEASER) members with their grandchildren, 2019.

Pilipino Elderly Association Southeastern Region (PEASER) members with their grandchildren, 2019. Source: Baby Julie (PEASER)

Idineklara ng Simbahang Katolika ang World Day for Grandparents and the Elderly tuwing ika-apat na Linggo ng Hulyo.


Pakinggan ang audio:




Highlights

  • Ayon kay Father Joselito “Litoy” Asis na Episcopal Vicar for Catholic Migrants and Refugees in the Archdiocese of Melbourne, malaki ang ginagampanan ng mga lolo at lola sa pagpasa ng mga tradisyon, kultura at relihiyon sa susunod na henerasyon.
  • Bukod sa wikang Filipino, ilan sa mga mabuting asal gaya ng pagmamano, paggalang sa nakakatanda at pagiging maka-Diyos ang nais ipamana ni Lola Ofelia Manongdo sa kaniyang mga apo.
  • Ayon sa 2021 Census, Katoliko ang nangungunang relihiyon ng mga Filipino-Australian na may 76.3%, sinundan ng Christianity na may 6%, Protestants na may 3.2%, ang walang relihyon at iba pa ay 2.8% .

Kahit abala at aktibo sa komunidad bilang sekretarya ng grupong PEASER o Pilipino Elderly Association Southeastern Region, hindi nawawalan ng panahon na makipagbonding ang 75-year old na si Lola Ofelia Manongdo sa kanyang mga apo.
Ofelia Manongdo with her grandchildren
Ofelia Manongdo with her grandchildren Source: Ofelia Manongdo
Gusto niyang maging bahagi ng paglaki ng mga apo at maituro ang mga mabubuting asal ng Filipino kahit nandito na sa Australia.
Nawawala na yata ang good manners and right conduct eh, kaya kailangan talaga maumpisahan mo sa bahay ang pag-[hubog] sa kanila. Basta sa bahay ang foundation na yun, sa palagay ko hindi na maalis yun, babalik sa values na kinagisnan.
Mahalaga ani Lola Ofelia sa simulan habang bata lalo’t nangangamba siya sa lumabas sa pinakahuling Census na mas mataas ang bilang ng mga walang relihiyon sa Australya.
Ofelia Manongdo with her grandchildren
Ofelia Manongdo with her grandchildren Source: Ofelia Manongdo
Base sa tala ng Census 2021, 38.4% ng mga Australyano ay walang relihiyon. Tumaas it ng walong porsyento simula noong 2016. 

Ang mga Katoliko ay nasa 20%, 9.8% ang Anglican, 3.2% ang Islam at sinundan ng iba’t iba pang relihiyon.

Isa ang 35-year-old na si Abe Middleton na sumagot sa Census ng 'no religion' bagama't lumaki siya sa pamilya ng mga Anglican at pumasok sa Anglican school. 

"It all came from childhood with the pressure of religion being forced at school and through parents. And being forced into something didn't seem like the right way of going about it to me, along with other things I saw over the years. So it's always been "no religion" on the census for me."

Ayon naman kay Bishop Genieve Blackwell na Assistant Bishop of the Melbourne Anglican Diocese, maaring nawawala ang tradisyon sa pamilya.   

"I think what it particularly says is people who, who might have in the past said I'm Christian because of a family tradition are no longer doing that. And I think that's where we're largely seeing the decrease."
Filipino Catholic Mass in St. Brigid's Parish Fitzroy, Victoria Australia
Filipino Catholic Mass in St. Brigid's Parish Fitzroy, Victoria Australia Source: SBS Filipino
Sa gitna ng World Day for Grandparent’s and the Elderly, hinikayat ni Reverend Monsignor Joselito “Litoy” Asis na Episcopal Vicar for Catholic Migrants and Refugees in the Archdiocese of Melbourne ang mga lolo, lola at lahat ng nakakatanda na paigtingin ang pagpasa ng mga kultura at relihiyon ng mga Filipino kahit nasa Australya na. 

Dagdag din ni Msgr. Asis na malaki ang ginagampanan ng mga komunidad ng migrante gaya ng mga Filipino sa anumang pananampalataya sa Australya.
There's a cultural and ethinic diverse in the church kaya kung pupunta sa simbahan talaga, it's not dominated by white people, let's say by English people but it's coloured. Makikita mo ang presence ng migrant. So because of this, napakahalaga ng role ng migrant comunities and ethnic groups na maging inspiration tayo.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paano maipapasa ng mga lolo’t lola ang kultura at relihiyon sa susunod na henerasyon? | SBS Filipino