Alamin ang pagbabalik ng mga unang international students sa Australia

International students arrived at Sydney International Airport, as part of pilot program of the NSW to return students to the state.

International students wear face masks as they arrive at Sydney Airport in Sydney, Monday, December 6, 2021. Source: AAP/Bianca De Marchi

Maagang inihayag ang pagbubukas ng border ng Queensland. At higit 200 international students lumapag na sa Sydney International airport bilang bahagi ng trial program ng gobyerno sa unti-unting pagbubukas ng international border ng Australia.


Highlights
  • Queensland bukas na ang border para sa kompleto ang bakuna simula 13 ng Disyembre.
  • 150,000 na mga international students maaari ng makapasok sa bansa simula 15 ng Disyembre.
Bubuksan ng muli ng Queensland ang ka nilang border sa lahat ng mga kompleto na ang bakuna sa ika-13 ng Disyembre. Mas maaga ito ng apat na araw sa naunang itinakdang petsa, na 17 ng Disyembre.

At sa araw ng pagbubukas, hindi na kailangang mag quarantine ang mga residente na papasok sa estado,pero dapat magbigay ng negatibong resulta ng Covid test, 72 oras bago ang pagbyahe. At muling magpatest matapos ang limang araw ng pagdating.

Australia Prime Minister Scott Morrison hinikayat ang mga lider ng teritoryo at estado na umabante at harapin ang hamon na dala ng Omicron variant. NSW may 25 na  kaso ng Omicron  variant.


Saad ni Queensland Premier Anastasia Palaszczuk,maaga nilang inanunsyo ang mga pagbabago para makapaghanda ang mga may balak na pumasok sa estado para sa kanilang bakasyon.

“Kapag fully vaccinated wala ng quarantine kahit magbyahe  by land o by air papunta dito. Pero ang hindi bakunado, dapat nakabyahe ito sakay ng eroplano at maghotel quarantine ng 14 days.”

Ngayong linggo inaasahang ma-abot na ng Queensland ang 80 per cent vaccination rate.

 "Ang gusto talaga naming ay maaabot na ang 80 % vaccination rate at lahat ng Queenslanders ay mabakunahan bago magbukas ang border. Ito ang tamang panahon na mag-reunite ang pamilya sa Pasko.”

Maari na ding makakuha ng border pass ang mga residente na kabilang sa red zone, at may bisa Ito ng dalawang linggo.

Samantala sa Sydney International airport, dumating na ang 250 na mga estudyante ng unibersidad mula sa labing limang bansa. Kabilang sa dumating ay mula Indonesia, Singapore, Vietnam, South Korea, China at Canada, para ipagpatuloy ang kanilang pag aaral.

Ang kanilang pagdating sa bansa, ay bahagi ng pilot na programa ng Federal na gobyerno.

Sa panayam ng SBS News sa mga estudyanteng sila  Lester at Jacqueline mula HongKong, sabi nito masaya sila at unti-unti ng natutupad ang kanilang mga pangarap.

Lester: "kung hindi ako makabalik sa Sydney, hindi ko na maitutuloy pa ang pag-aaral ko."

Jacqueline: "Parang nabunutan ako ng tinik dahil kapag hindi ako makarating dito sa Enero, ikakansela na ng unibersidad ang aking enrolment, kaya sobrang saya ko."

Dahil sa Omicron variant naantala sa Disyembre 15 ang kanilang pagdating, mula sa naunang itinakdang Disyembre 1. At inaasahang aabot sa 150, 000 students ang papasok sa bansa.

Kahapon, nakapagtala ang New South Wales ng 208 na panibagong kaso ng COVID-19, at sampung kaso ng Omicron variant. At simula ng madiskubre ang variant, 25 na ang kaso sa estado.

Lahat sila ay konektado sa outbreak sa dalawang eskwelahan sa Regents Park at sa indoor climbing gym sa Villawood sa Sydney.

 Ayon kay chief health officer Doctor Kerry Chant posibleng tataas pa ang kaso habang patuloy ang testing sa nakasalamuha ng mga naunang biktima.

Patuloy ang aming pag-iimbestiga sa outbreak ng Omicron variant sa Regents Park Christian School at St. Peters Chanel Catholic Primary School  tapos ang  Indoor Climbing Gym in Villawood.”

Samantala sa estado ng Victoria umabot sa 1,073 ang Covid-19 na kaso at anim ang namatay.

Sa Australian Capital Territory naman umabot na sa 98 pe rcent ang double-dose vaccination rate sa mga residente na may edad 12 pataas. Pinakamataas ito sa buong bansa.

Sa Northern Territory, ayon kay health minister Natasha Fyles isang 3 taong gulang ang nahawaan ng virus dahil sa pagbisita nito sa Katherine Hospital.

Inaasahan namang tatapusin ang lockdown sa Katherine sa Myerkules sa ika-8 ng Disyembre.

"Sana gumaling na yon bata at patuloy ang aming pakikipag-usap sa pamilya ng bata. Tinitingnan din naming ang indikasyon ng  positive wastewater sa Bicentennial Road catchment sa Katherine.”

Ayon naman kay Premier Steven Marshall sa South Australia, magkakaroon lang ng pagbabago sa restriksyon ng border nila, kapag makalikum na ng sapat na impormasyon sa bagong Omicron variant.

So tatlong bagay ang tinututukan namin, una kung gaano ka-bilis ang hawaan ng variant na ito, pangalawa kung epektibo ba ang bakuna ng bansa laban dito at pangatlo ang bagsik ng virus.”

Noong Disyembre 5, nauna ng inanunsyo ng New South Wales at Victoria hindi nila isa-alang-alang ang Omicron-zero strategy.

Bagay na sinang-ayunan ni Prime Minister Scott Morrison, at sinabing dapat ituloy na ang pagbubukas ng estado kahit pa may panibagong nadiskubre na variant.

Kampante Si Morrison na malalampasan ang epekto ng variant lalo’t inaasahang maabot ng bansa ang 90 per cent double-dose vaccination target nitong katapusan ng linggo.

"Hindi natin tinutulugan ang pagbabantay ng Omicron variant na ito,  at tama kailangan paghandaan pero dapat susulong ang bansa hindi uurong. At halus nasa  90 % na ang vaccination rate ng bansa.”

Hinihikayat din nito ang lahat ng teritoryo at estado, na gawin ang lahat ng nakakaya para maabot ang vaccination target, at nang maranasan ang unti-unting pag babalik sigla ng ekonomiya.

 "Alam ko lahat ng desisyor ng mga Premier ay para sa kabutihan ng lahat  ng residente at sumasangguni lahat sa eksperto pero ang alam ko kapag 80% na ang vaccination rate dito na mararamdaman ang pagbabago laban sa virus. Pinatunayan yan sa  NSW, ACT at Victoria kaya dapat lahat ng estado at teritoryo maabot na ang 80% double-dose vaccination rate.”

Para sa karagdagang impormasyon sa COVID-19 sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand