Nabuhayan ng loob ang ilang daang libong mga visa holders mula sa iba’t ibang bansa dahil maaari nang makapasok silang muli sa Australia. Inanunsyo ni Prime Minister Scott Morrison na libre ng makabyahe at makapasok silang mga visa holders na hindi na kailangang mag-apply ng espesyal na travel exemption.
Pero giit nito prioridad pa din makauwi silang mga Australian citizens at permanent resident na natingga ang pag-uwi dahil sa pandemya mula ibang bansa.
Highlights
- Tinatayang nasa 200,000 na mga visa holders ang naghihintay na makapasok sa Australia sa susunod na taon.
- Ang mga bakunado mula sa Japan at Korea ang madadagdag sa mga papasok sa bansa sa Disyembre, kasama ang mula Singapore dahil sa travel bubble nito ng bansa.
- Ayon kay Prime Minister Scott Morrison ang pagbubukas ng international border sa mga visa holders mula sa ibang bansa ay malaking tulong sa pagbangon ng ekonomiya ng Australia matapos ang pandemya.
"Simula Disyembre 1, 2021 silang fully vaccinated eligible visa-holders ay pwede ng makapasok sa bansa. “
Kabilang sa maari ng makapasok sa bansa ay silang may hawak na visa gaya ng skilled worker, international students, mga may hawak ng humanitarian visas o refugee visa, working holidaymakers at provisional family visa holidays.
Dalawang punto lang ang dapat patunayan ng mga ito bago matungtong sa bansa, una ay dapat kompleto ang bakuna o fully vaccinated at pangalawa magbigay ito ng pruweba na negatibo ang Covid test result.
" Ito ay isa lang sa maraming benepisyo kapag bakunado. Isang tagumpay din ito para sa bansa dahil kahit papaano nasa tamang landas na ang bansa tungo sa pagbangon at normal na buhay.”
Dagdag pa ni Prime Minister Morrison, tinatayang nasa 200,000 na mga indibidwal ang may hawak ng ganitong mga visa at naghihintay na makapasok sa bansa sa susunod na taon.
"Simula Disyembre o Enero hanggang sa susunod na taon, mga skilled workers at ibang visa holders ang darating, at segurado ako maraming trabaho ang magagawa sa airport at sa buong bansa.”
Ang hakbang na ito ng gobyerno ay pinuri ng Humanitarian organisations at mga advocates, kagaya na lang ng CEO ng Settlement Council of Australia na si Sarah Wright.
"Masaya ito lalo’t nasa 10,000 humanitarian visa holders sa overseas ang naghihintay na makapasok, at inaasahang masimulan agad nila ang bagong buhay dito sa Australia para sa kinabukasan din ng bansa.”
Kasama sa inaasahang dadagsa na mga visa holders ay mga galing sa bansang Japan at Korea. Dagdag sila sa mga indibidwal na papasok sa bansa mula Singapore at New Zealand dahil sa travel bubble na kasunduan ng bansang Australia.
Aminado si Prime Minister Morrison, ang pagbubukas ng border sa maraming visa holders mula sa iba’t- ibang bansa ay makakatulong para tuluyan ng makabangon ang ekonomiya.
“ Isang paraan ito para maseguro natin na tuloy-tuloy na ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa at dahil apektado ang lahat pati ang kinabukasan kapag hindi tayo magsisimula ngayon.”
Kinumpirma naman ito ni Committee for Economic Development of Australia o CEDA Economist Gabriela D'Souza dahil sa totoo talaga mahihirapan ang bansa na makabangon kapag wala silang mga working visa-holders mula sa ibang bansa.
"Ang laking tulong ito sa ekonomiya ng bansa, dahil sisigla ng muli ang sector ng hospitality, mga unibersidad, construction at engineering companies, na lubhang apektrado ng pandemya.”
Pero ang magandang balitang ito ay agad sinalubong ng batikos mula sa kampo ng oposisyon dahil kulang daw at hindi detalyado kung paano sisimulan ang pagbubukas ng border .
Ani Kristina Keneally ang Deputy Leader ng Oposisyon, kulang sa plano ang inanunsyong hakbang ng punong ministro.
“Ang nakita natin sa inanunsyo ni Prime Minister Scott Morrison ay simpleng anunsyo lang at wala talagang matibay detalye kung paano sisimulan, alam naman natin ang border ay sarado ng 2 taon at kailangan ito ng magandang plano para alam lahat ay makatulong at makagalaw tungo sa misyon.”