Highlights
- Ayon sa New South Wales Teachers Federation, ang naranasang kakulangan ng mga guro sa eskwelahan ay sanhi ng maagang pagbabalik ng mga bata sa eskwelahan ng mas maaga sa itinakdang petsa.
- Sa A-otso ng Nobyerno dapat bakunado na silang mga guro, kaya base sa 95 porsyento na bakunadong mga guro, sabi ng unyon kulang sila ng 3,000 teachers.
- Sabi ni Major Events Minister Martin Pakula nasa gobyerno na ang pasya kung makakapasok silang foreign nationals sa Asutralia kung hindi bakunado para makapaglaro.
Matapos ang higit tatlong buwang online-learning ng mga bata, balik silid-aralan na ang mga estudyante sa buong estado ng New South Wales.
Ayon kay NSW Premier Dominic Prrottet 95 percent ng populasyon ng mga teachers ang kompleto ang bakuna. Kasabay ng pagbabalik sa eskwelahan, nakapagtala ng kulang-kulang 300 na panibagong kaso ng Covid-19 ang estado at apat ang namatay.
"Gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga guro sa buong estado, dahil tumugon sila sa panawagang magpabakuna ngayon 95 % na para maging ligtas ang pagbubukas ng klase," sabi ni Premier Perrottet.
Ayon sa New South Wales Teachers Federation, ang naranasang kakulangan ng mga guro sa eskwelahan ay sanhi ng maagang pagbabalik ng mga bata sa eskwelahan ng mas maaga sa itinakdang petsa.
Hanggang sa A-otso lang kasi ng Nobyerno bakunado na dapat silang mga guro. Kaya base sa 95 porsyento na bakunadong guro, sabi ng unyon kulang sila ng 3,000 teachers.
Pero kumambyo naman si Education Minister Sarah Mitchell, kaya umanong punan ang kulang na guro bago ang vaccination deadline.
"Talagang inisa-isa namin ang lahat ng mga Principal sa 2,200 public schools na dapat may tamang staffing para punan ang mga wala pang bakuna, mula ngayon hanggang sa petsa-otso ng Nobyembre."
Dahil wala pang bakuna sa mga batang may edad 12 anyos pababa, di maalis sa mga magulang ang pag-aalala.
Lalo’t nagpahayag si Professor Robert Booy, isang Infectious Disease Specialist sa University of Sydney na posibleng aakyat ang bilang ng mga bata na tatamaan ng Covid-19.
Pero pwede namang maagapan kapag tama ang ipinatupad ang health protocols ng eskwelahan.
"kailangan health protocols nila, vaccinated ang eligible, dapat may mask at iba din ang kanilang mga break time. Kapag walang underlysing sakit at tamaan ng Covid hindi sila malala pero kung meron delikado."
Nakapagtala sa Australian Capital Territory ng syam na panibagong kaso, nasa 88 per cent na ng may edad 12 anyos pababa na mga residente ang fully-vaccinated.
Sa Victoria, pumalo pa din sa higit isang 1,000 ang panibagong kaso at pito ang namatay. Kabilang dito ang isang babae na nasa edad 20’s.
Inamin ni Covid-19 Response Commander Jeroen Weimar, karamihan sa mga tinamaan ng virus ay hindi bakunado, na nasa edad 40’s.
At tinatayang nasa kalahating milyong Victorians pa din ang kailangang magpabakuna.
" Nakikita natin na pabata ang mga tinatamaan ng virus, two thirds sa gma kaso ay under 40 years old ang edad. Sa Wyndham at Hume, 96 at 97 per cent ng bagong kaso ay under 40 years old at hindi bakunado."
Sa ngayon nasa 74.7 per cent pa ng mga Victorians na may edad 16 pataas ang fully vaccinated.
At bagama't nasa 58 porsyento na ng vaccination rates ng Indigenous People mababa pa din ito kumpara sa ibang Australians.
Kaya ikinasa na ng gobyerno ang malawakang pagbabakuna sa mga katutubo sa melbourne, pati sa regional areas sa Victoria.
At dahil mahigpit na ipinababawal ng gobyerno ang pagapapapasok ng unvaccinated na mga foreign nationals, sabi ni Major events Minister Martin Pakula malabo pa din makapaglaro sa Australian open silang hindi bakunadong manlalaro sa susunod na taon.
" Nasa gobyerno na ang pasya kung may babaguhin sila, pero sa ngayon wala pang abiso. Sa ngayon malinaw na kapag unvaccinated talagang hindi makakapasok dito sa bansa, " saad ni Pakula.
Dagdag pa nito kahit si World number one Novak Djokovic, ay namemeligrong hindi makapaglaro kapag hindi bakunado.
Nauna ng nagpaabot ng kanyang pahayag si djokovic na sanay hindi gawing mandatory sa mga manlalaro ng association of tennis professionals ang bakuna kontra covid-19 para makapaglaro.
At sa Queensland, bagama't walang panibagong kasong naitala ng Covid-19, mababa pa din ang vaccination rates sa regional areas pati sa mga Indigenous community kaya ikinasa din ng estado ang malawakang pagbakuna. Kabilang sa magbibigay ng bakuna ang mga theme parks at surf lifesaving clubs.
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng estado sa kalagitnaan ng Disyembre o kapag makamit na ng estado ang 80 porsyento na vaccination rate.
Samantala iginiit ngayon ng federal government na pwede ng bigyan ng booster shots matapos ang 6-12 na buwan mula sa pangalawang dose.
Pero mauna sa pila sa booster shots silang mga Australians na madaling nahahawaan gaya ng mga matatanda at mga may iniindang sakit.
Para sa karagdagang impormasyon at suporta ngayong may pandemya sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus