Key Points
- Ayon sa federal Treasury tumaas ng $1,000 ang sahod ng mga full-time na empleyado sa nakalipas na taon, at nagkaroon ng dagdag na 330,000 na trabaho.
- Marami pa rin ang nahihirapan at sinusubukang pagkasyahin ang kanilang kita sa gitna paglubo ng inflation at pagtaas ng mga bilihin.
- Para sa full-time working mum na si Kitting Altera, mahalaga na alamin ang gastos at humanap ng mga paraan para makatipid at mabawasan ang mga bayarin.
Ipinapakita ng isang bagong survey mula sa Monash University na mas naging mulat at maingat ang mga sa kanilang paggasta.
Ayon sa lead author ng naturang survey na si Dr Eloise Zoppos mas maraming consumer sa Australia ang pinipili na mamili ng mga lokal na produkto at hindi na sila lumalayo pa.
"We're seeing a big trend of Australian shoppers wanting to support local businesses and locally produced products."
"This trend has really been around for a few years, and we started to see it in our research during the pandemic because people had a chance to slow down and think more about what they were spending and where they were buying - and of course with some Australians not being able to travel too far to make their purchases. So that's a trend that we've been seeing for quite a few years and it's becoming stronger than ever in the current climate," ani Dr Zoppos.
Para naman kay Kitting Altera mula Sydney, madalas itong humahanap ng mga "sales" sa mga supermarket para makabawas sa pang-araw-araw na gastusin.
Malaking pakinabangan din para sa pamilya ni Ginang Altera ang kanilang desisyon na magpakabit ng solar panels nang mabili nila ang kanilang bahay mahigit dalawang taon pa lamang ang nakalipas.
"Noong makabili kami ng bahay, nag-invest kami sa solar panels. I know it sounds like baka mas mahal, pero in the long run we calculated it, it's worth it."
"Mas nakakatipid kami at mas fix din yung binabayaran namin at alam ko na ang dapat naming budget."