Paano sumulat ng sanaysay para sa GTE o Genuine Temporary Entrant?

Writing your GTE personal statement

Writing your GTE personal statement Source: Pixabay

Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp. episode, alamin ang apat na aspeto na dapat ikunsidera sa inyong GTE Statement ayon sa isang Registered Migration Agent.


Key Points
  • Ayon sa Kagarawan ng Home Affairs, lahat ng aplikante ng Student Visa ay kailangan patunayan na ang mga ito ay pupunta lamang sa Australya pansamantala upang mag-aral.
  • Bilang aplikante ng student visa, isa sa mga kinakailangan ang pagbibigay ng sanaysay para sa Genuine Temporary Entrant.
  • Inirerekomenda ng Kagawaran na magbigay ng ebidensyang susuporta sa mga inilahad sa sanaysay.
Ilang pahina ba ang kailangan sa pagsulat ng personal statement sa GTE?
Isa lang ang katanungan na ito na natatanggap ng Registered Migration Agent na si PJ Bernardo ng I-Migrate.

Sa naging panayam ng SBS Filipino, sinabi nitong walang pamantayan ng bilang ng pahina sa pagsusulat ng sanaysay sa Genuine Temporary Entrant o GTE bagaman sasapat na anya ang apat hanggang anim.

Ang Genuine Temporary Entrant o GTE ay isa lamang sa mga kinakailangan ng tanggapan ng Immigration sa mga aplikante ng student visa.

Ayon sa Home Affairs website, ang Genuine Temporary Entrant (GTE) requirement ay nakakatulong sa pagkilala at pagtukoy sa motibo ng mga aplikante bukod sa pag-aaral sa Australya.

Inilahad naman ni Mr Bernardo ang apat na aspeto na dapat lamanin sa pagsusulat ng nasabing sanaysay.

1. Kasalukuyang sitwasyon - dapat na malaman ang kalagayan o estado ng aplikante sa pamamagitan ng personal na impormasyon, pinag-aralan, mga interes at kung nagtatrabaho. Dapat ding ipakita ang pinansyal na lagay na nagpapatunay na kayang tustusan ng aplikante ang pag-aaral sa Australya. Maari ding ilagay ang mga plano sa karera at rason kung bakit nais mag-aral sa ibang bansa.

2. Potensyal na sitwasyon sa Australya - sa bahaging ito dapat ilahad kung gaano kaalam aang kursong kukuhanin, anong paaralan at estado, mga planong lugar ng titirahan, gayundin ang pinansyal na kapasidad ng pamumuhay sa Australya.

3. Kahalagahan ng kurso - dito dapat pagtibayin ang kontribusyon ng pag-aaral ng aplikante sa propesyunal na aspeto gaya ng promosyon sa trabaho o pagtaas ng sweldo dahil sa pinag-aralan sa Australya. Maari ding ilagay na ang kurso ay kaugnay sa naunang edukasyon ng aplikante at kaakibat sa kinabukasan ng karera nito.

4. Detalye ng paglabas ng bansa - dapat idetalye ang mga nakuhang visa sa Australya at iba't ibang bansa gayundin ang mga pagbyahe. Kung may kanselado o hindi naaprubahang visa ay dapat ding ideklara.
Registered Migration Agent PJ Bernardo
Registered Migration Agent PJ Bernardo Credit: Registered Migration Agent PJ Bernardo
Iginiit ng Registered Migration Agent na si PJ Bernardo na dapat ay totoo kung anuman ang sasabihin sa personal statement at dapat na may handang ebidensya na susuporta sa mga ito.

Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand