Key Points
- Sa Australia, tanging ang Embahada ng Pilipinas sa Canberra at mga Konsulado ng Pilipinas sa Sydney at Melbourne lamang ang nagpo-proseso ng Philippine passport.
- Para sa unang pagkakataon na kukuha ng pasaporte, kailangang kumuha ng appointment online para sa inyong pagpunta sa konsulado o embahada para sa inyong personal appearance at kumpletuhin ang passport application form. Kailangang dalhin ang orihinal at photocopy ng inyong birth certificate.
- Para sa renewal, kailangan ang online appointment para sa inyong personal appearance, kumpletuhin ang passport application form, at orihinal at photocopy ng inyong kasalukuyan o lumang Philippine passport.
Ibinahagi ni Ginoong Popo Villalobos, Passport Officer at Consular Assistant mula Philippine Consulate sa Sydney ang proseso ng pagkuha o pag-renew ng pasaporte sa Australia sa pamamagitan ng konsulado sa Sydney at sa Embahada sa Canberra.
Inisa-isa rin niya ang mga dokumentong kailangan para sa inyong pagkuha ng Philippine passport.