Highlights
- Fully vaccinated na domestic travellers mula sa buong bansa na may negative Covid test, ay maaari ng hindi mag-quaratine kapag 80 porsyento na ang vaccination rate.
- Simula Nobyembre 23 hindi na magpapatupad ng lockdown ang South Australia at kung sakaling magiging close contact ng nagpostibo ng virus ay hindi na kailangang mag-isolate kapag kompleto na ang bakuna.
- Western Australia ay wala pa ding paglilinaw sa pagbubukas ng border, kahit umabot na sa 70 porsyento ang kompleto na ang bakuna.
Nakatungtong na sa 70 porsyento double dose vaccination rate ang Queenslandm, kaya silang kompleto na ang bakuna na may negative Covid test result ay pwede ng maka-apply ng home quarantine matapos magbyahe sa mga lugar na kasama sa mga Covid hotspot.
At dahil wala kaso ng tinamaan ng virus sa estado kahapon, sinimulan din nito ang pagluluwag ng ilang restriksyon. Kagaya na lang nilang mga residente na nanggaling ibang estado at teritoryo at gustong umuwi sa Queensland, at bahay nito ay nasa 2 hours drive lang mula sa paliparan ng Queensland ay maaari na mag-home quarantine.
Pero huwag maging kampante dahil kahit may pagluluwag sa ilang restriksyon sabi ni Queensland Premier Annastacia Palaszcuk,hindi pa din pwedeng lumipad sa mga lugar na kasama sa Coronavirus hotspots, at hindi pa din papayagan ang home quarantine kung sakaling nakatungtong ka sa mga lugar na ito.
"Mas mabilis ang nangyaring pagluluwag kaysa aming inaasahan at kung magtuloy-tuloy ito baka mas maaga ang pagbubukas ng Queensland sa lahat sa Disyembre."
At kapag umabot na sa 80 per cent ang fully vaccination rate ng estado, silang galing ibang estado at teritoryo na kompleto na ang bakuna at makakuha ng negative Covid test sa pre-departure, ay pwede ng hindi sasailalim ng quarantine.
Samantala sa Victoria, dalawang araw ng mababa sa isang libo ang naitatalang kaso ng tinamaan ng virus sa estado.
Pero hindi pa din nakakalimutan ng mga tinuturong testigo, ang mapait na karanasan ng 50 residente ng St. Basil’s Aged Care facility sa Fawkner, Melbourne na namatay dahil sa Coronavirus, habang sinimulan ng korte ang coronial inquiry o pag iimbestiga ng kanilang pagkamatay.
Inaasahang 65 ang haharap sa korte para sabihin kung paano kumalat ang virus sa pasilidad at ang kalunos- lunos na karanasan nilang mga aged care workers na naipit sa naturang sitwasyon.
Ayon sa abogadong si Peter Rozen kulang ng empleyado ang pasilidad kaya nagsakripisyo ang maraming empleyado para lang hindi mapabayaan ang mga matatanda.
"Talagang pahirapan ang paghahanap ng maraming qualified health care worker at ang nalalagay sa alanganin silang mga mahal nating matatanda, kaya sana ito mabigyan ng solusyon."
Umabot sa 45 na residente ang namatay dahil sa virus, at may 5 pang kasama sa kanilang imbestigasyon na nasa loob ng pasilidad noong panahong iyon.
Isa sa mga humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ina si Christine Golding.
"Gusto kung mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ina pati na ang ibang residente. Kung sino man ang may pagkukulang sana managot."
Sa New South Wales, 165 ang kaso ng Coronavirus na naitala nitong Lunes, at isa naman ang namatay.
Ayon kay Dr. Jeremy Mcanulty, ang 80 anyos na taong gulang na babae na namatay ay nahawaan sa tinutuluyang aged care na pasilidad.
"Nakatanggap na sya ng dalawang dose ng bakuna, kaso may iba syang iniindang sakit. Sana tanggapin ang aming pakikidalamhati sa pamilya na namatay dahil sa virus."
Inaasahang sa Nobyembre 23, tatapusin na ang lockdown sa buong estado ng South Australia.
At silang magiging close contact ng tinamaan ng virus ay hindi na kailangang mag isolate ng 14 na araw mangyayari yan kapag kompleto na ang bakuna.
Pero inamin ni South Australia Premier Steven Marshall, gagawin nilang tama ang lahat ng hakbang sa pabubukas ng estado para hindi malagay sa alanganin ang buhay ng mga residente.
" Magingat natin itong isasagawa ang pagluluwag at pagpapapasok, una sila lang mga kompleto ang bakuna ang makakapasok sa South Australia. Ito ang alam kung makakatulong sa lahat ng pamilya pati samga negosyo."
Samantala kung magbubukas na ang South Australia sa ilang estado at teritoryo sa susunod na mga linggo. Tikum pa din ang bibig ni Western Australia Premier Mark Mcgowan kung kailan sila magbubukas ng kanilang border, kahit pa inaasahang maabot na ng estado ang 70 percent double dose vaccination rate ngayong linggo.
Ayon kay Mcgowan, ang paghihigpit ng kanilang border ay para din sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.
"Gusto namin talagang mataas ang vaccination rates bago magbukas at inaasahan namin na 90 % na kamis sa January or early February. Umaasa kami makamit namin ang 80% vaccination rate sa Disyembre.
Habang sa Australian Capital Territory, 10 ang naitalang panibagong tinamaan ng virus. At isa ang nasa ospital.
Ayon sa awtoridad ang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus sa Canberra ay nangangahulugan lang na nagbabadya pa din ang peligro ng virus sa buong bansa.
Samantala, binatikos naman ni Victoria Chief Health Officer Brett Sutton ang Covid-19 roadmap ng national na gabinete, dahil nabaliwala umano ang recovery stage nito.
Nananawagan din ito sa mga mambabatas ng bansa na tutukan ang pagbuo ng stratehiya para sa mas kongkretong hakbang sa paglaban sa pandemya sa hinaharap.
Para sa karagdagang impormasyon at suporta tungkol sa Coronavirus sa inyong wika, bisitahin ang sbs.com.au/coronavirus.