Queensland nakapagtala ng mataas na bilang ng kamatayan mula sa COVID-19

Naca Feature, Coronavirus, COVID-19, Omicron Variant,

Queensland Chief Health Officer Dr John Gerrard Source: AAP

Naitala ng Queensland and pinakamataas ng bilang ng kamatayan mula sa COVID-19 kasabay ng pag-abot ng estado sa siyamnapung porsyentong vaccination target. Habang sa New South Wales naman ay patuloy ang tensyon sa pagitan ng pamahalaan at mga unyon ng nurse sa gitna ng pinaplanong strike upang matugunan ang kakulangan sa sweldo at manggagawa.


Pumalo sa 24 ang nasawi mula sa COVID-19 sa Queensland sa pinakabagong ulat ng kagawaran ng kalusugan. 16 sa mga naiulat na kamatayan ay mga aged care residents.

Kasabay nito inanunsyo din ni Premier Annastacia Palaszczuk na naabot na ng estado ang 90% na kumpletong bakuna para sa edad sa labing anim pataas.


 Highlights 

  • Aasahang libo-libong mga nurse ang magdadaos ng strike ng hanggang bente kwatro oras sa ika-akinse ng Pebrero, Martes ayon sa unyon.

  • Sa Tasmania, balik-classroom na ang mga estudyante sa estado ngunit ayon sa survey ng mga miyembro ng Australian education union Tasmania branch, isa sa limang guro lamang ang ramdam na ligtas sila sa pagbabalik trabaho.

  • Sa Western Asutralia, bibigyan ng dalawang rapid antigen test ang lahat ng mga byahero mapa-domestic o international man at ito ay gagamitin sa unang araw ng pagdating sa estado at sa ikapitong araw ng pag-quarantine.


Makinig sa podcast


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand