Highlights
- Nagbigay ang New South Wales government ng dalawang linggong palugit para makapag pabakuna ang mga tao sa mga rehiyon at inaasahang matutupad ito sa November 1.
- Mahaba pa ang panahon na kailangan nila para mapataas ang vaccination rate pero ang bawat oras ay katumbas naman ng paghihikahos ng mga negosyo at tourism operators na umaasang makakabalik sa kanilang mga hanapbuhay.
- Para makatulong sa vaccination, ang ex-services club ay naglagay na ng vaccination hub sa taas bistro ayon sa Chief Executive na si John Rafferty.
Tulad ng ibang bahagi ng Australia, naninimbang ang Coffs Harbour, sa muling pagbubukas ng mga lugar.
Habang walang turista na dumadayo sa kanilang lugar, malaya silang nakakapamuhay dahil wala ring sakit na nakapasok sa kanilang kumunidad.
Bahagi si Mayor Denise Knight ng 13 leaders mula New South Wales north coast na nananawagan na huwag munang buksan ang mga lugar sa rehiyon. Ayon sa kanya, malaki ang pangangailangan ng mga negosyo sa mga turista pero napapag iwanan ang vaccination rate ng lugar.
Bukod sa regional travel, mula Nobyembre, ang mga bakunadong Australians at kanilang pamilya ay maari nang bumalik sa Australia na hindi sumasailalim sa quarantaine.
Kaya naman mas natatakot ngayon ang mga residente sa rehiyon tulad ni Coffs Mayor Denise.
"If they do come back and don’t have to go into quarantine. Please don’t come to the regions for a little while, give us a little more time, but as I said they’re Aussies, this is their home."