KEY POINTS
- Unang nagkrus ang kanilang landas sa set ng isang mini-series kung saan nakilala ni Felise na isang nurse at aktres si Chris na isa naming sound engineer at composer. Mula noon ay nabuo nila ang The Filo duo.
- Hatid nila ang mga classic at contemporary OPM songs sa Filipino community ng Melbourne at pinapakilala din nila ang musikang Pinoy sa ibang lahi.
- Habang sila ay parehong lumaki na sa Australia, binahagi ni Felise na mas madali para sa kanya ang kumanta ng awiting Pilipino kaysa sa magsalita ng wika.