Ano ang bantang dulot ng Omicron sub-variant BA.2?

Photo Illustration Of Omicron variant

BA.2 is a sub-lineage, or sub variant, of the Omicron Coronavirus variant, and scientists are racing to assess the level of risk it presents Source: Getty

Na-detect ang Omicron sub-variant BA.2 sa Australia noong Disyembre 2021sa isang pasyente sa Queensland.


Highlights
  • Hindi kinukunsiderang hiwalay na variant ang BA.2 sa orihinal na Omicron na kilala din sa tawag na B-A-1 kundi itinuturing na nasa isang pamilya.
  • Tinawag ng mga siyentipiko ang B-A-2 na sub-variant o sub-lineage. Ang iba pang pangalan na ginamit ng mga opisyal ay kapatid na variant o anak ng Omicron.
  • Sa Australia, tinatayang nasa 20 hanggang 30 ang kaso ng B-A-2 na papalo lamang sa 0.3% ng kabuuang kaso ng COVID sa bansa.
Tila humuhupa na ang bugso ng Omicron sa ilang estado ng Australia at ilang bansa sa buong mundo pero nakaalerto pa rin ang mga awtoridad sa panibagong sub-variant.

Pakinggan ang audio: 
Bagaman hindi ganon kabilis kumalat ang BA.2 kumpara sa BA.1, mas mabilis itong makahawa ayon sa paunang data na inaaral ng mga eksperto sa Denmark. 

Ang BA.1 ay may 60 mutations habang 85 mutations naman ang BA.2.  

Samantala ang Alpha Variant ay may 30 mutations at 35 mutations naman ang Delta Variant. 

Isa sa mga pagkakaiba ng BA.1 at BA.2 ay ang genetic change sa spike gene nito, ibig sabihin hindi malalaman kung BA2 sa pamamagitan ng P-C-R testing at kailangan pang dalhin sa laboratoryo upang makumpirma. 

Sa kasalukuyan, mananatiling sub-variant ang B-A-2 ayon sa World Health Organization. Bahagi ito ng B-A-1 na may status na 'variant of concern'. 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Ano ang bantang dulot ng Omicron sub-variant BA.2? | SBS Filipino