Ang superannuation o mas kilalang ‘super,’ ay bahagi ng iyong kita o income na itinabi mo para sa panahon nang iyong pagreretiro sa trabaho.
Ang tinatawag naman na Superannuation Guarantee ay ang minimum na porsyento ng iyong kita , na dapat bayaran ng employer o amo, sa iyong super.
Highlights
- Simula 1 Hulyo 2021, ang bawat employer ay ipapasok ang contribution ng empleyado sa existing super fund account
- Ang superannuation fund ay ma-withdraw sa panahon ng iyong pagreretiro.
- Mag-ipon ng pera sa super ngayon kahit maliit na halaga dahil magiging malaki yan pagdating ng araw.
Dito kasi sa Australia, sinumang sumasahod ng $450 bago makaltasan ng tax kada buwan ay kwalipikado para sa superannuation contribution, ibig sabihin magbabayad na ng super mo ang employer.
At simula Hulyo 2021, tataasan ng gobyerno ang superannuation guarantee ng karagdagang 10 percent sa iyong buwanang kita. Bagay na ayon kay, Rashesh Bhavsar, na isang financial advisor sa Melbourne-based Fortune Wealth Creation Group, dapat malaman ng lahat ng mga nagtatarabaho dito sa Australia.
Kung nagtatrabaho ka sa Autralia, kinakailangang mag-contribute ang iyong amo ng 9.5 % sa iyong sahod, at tataas ito ng 10% hanggang 12% sa financial year 2026.
Marami ka bang super fund accounts?
Dagdag pa nito, sa datos ng Australian Tax Office marami sa mga nandito sa bansa ang may maraming super funds, hindi lang isa.
“Maraming migrant worker na maraming super fund accounts, dahil kapag lumipat ng ibang trabaho kumukuha ng ibang super fund account hanggang hindi lang isa ang account, pero di nila alam lahat ng accounts na iyon ay may mga charges at fees kaya nawawala din ang kanilang ipon. Dapat kasi kapag may bagong employer o amo ibigay yong super fund accounts na pinaglagakan ng iyong super mula sa dating employer," dagdag ni Bhavsar.
Simula 1 Hulyo 2021, kung ang empleyado ay walang nominated na superannuation account kapag lumipat ng trabaho, diretso nang maghuhulog ang naturang employer sa existing na super account ng empleyado, para hindi madagdagan ang account ng empleyado.

During the COVID-19 pandemic, 4.8 million workers accessed their super early. Source: Rio Helmi/LightRocket via Getty Images
Dapat pakatandaan, pwedeng ma-withdraw ang pera sa superannuation kapag nagretiro ka o 65 years old, o maaga kang nagretiro dahil sa compassionate ground gaya ng disability, medical treatment or sa kadahilanan naghihirap ka financially.
Lumalabas sa datos mula sa Australian Prudential Regulation Authority o APRA na 4.8 milyong Australians ang nag-avail noong makuha ng maaga ang super dahil sa pandemya.
Paano ka makakahabol sa super mo?
Kaya payo ni Tony Negline, na isang superannuation leader sa Chartered Accounts Australia at New Zealand, sa mga nag-withdraw ng kanilang superannuation, dapat mag-salary sacrifice.
Ibig sabihin, kausapin ang employer para kaltasan ang buong sweldo ng mas malaki para ilagay sa super fund account at nang makahabol ang contribution mo hanggang sa panahon ng pagreretiro.
"Halimbawa may $40,000 na sahod ka kada taon, kausapin ang employer para $37,000 lang ang isahod sa iyo at ihulog ang natitirang $3,000 sa superannuation bilang additional employer contribution," sabi ni Tony Negline.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Experts say super is the most tax effective way to saving for the future as super contributions are taxed at a lower rate than the marginal income tax rate. Source: Paul Kane/Getty Images
Samantala para sa mga nabubuhay dahil sa cash on hand na pagtatrabaho, may babala si Tony Negline, dapat simulan na ngayon ang pagtatrabaho ng may tax.
Ayon sa Association of Superannuation Funds of Australia, para mabuhay ng disente at komportable kung magreretiro ngayon, dapat ang isang tao o mag-asawa na may edad 65 kailangan may taunang budget na higit $28,000 at $40,000.
Pero sa datos ng Australian Bureau of Statistics sa taong 2017-2018, lumalabas na ang average superannuation balance ng indibidwal para sa may edad 15 pataas ay $168,500 para sa mga lalaki at $121,300 naman para sa mga kababaihan.
Bagamat nagbibigay ang gobyerno ang Australia ng pension sa mga may edad 66 pataas at nanirahan dito sa bansa ng higit 10 taon, hindi ito sapat para mabuhay ng mas komportable sa panahon ng iyong pagreretiro.
Paano pumili ng tamang super fund
Ayon kay Fatma Saaoud na isang business operations manager para sa Crescent Wealth, ito ang nag-iisang Islamic superannuation fund sa bansa. Karamihan umano sa bagong dating dito sa bansa walang super fund.
Masaklap pa dito, karamihan sa kanila ay mga kababaihan dahil hindi sila makapagtrabaho dahil sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
"Kapag nagretiro ang mga kababaihan nasa 47 % na mas mababa ang superannuation nila kumpara sa mga kalalakihan dahil karamihan sa mga kababaihan ay hindi agad nagtrabaho dahil nag-aalaga ng mga bata," sabi ni Saaoud. Kaya payo ni Tony Negline dapat maghanap ng fund, na naaayon sa pamumuhay o kagustuhan ng isang tao o indibidwal.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN
READ MORE

Thinking of managing your superfund?
"Maghanap ng super fund na naayon sa iyong gusto at makakatulong sa hinaharap," payo ni Tony Negline.
Ito din umano ang dahilan kung bakit, marami sa mga hindi Muslim ay pinili ang Islamic super fund dahil marami ang isinasa-alang alang, gaya ng pag-invest sa healthcare, manufacturing, ari-arian at sustainable o green energy.
Pinakapayo ni Tony Negline sa lahat, kahit ano pa ang iyong trabaho, dapat mag-ipon para sa iyong pagreretiro, kahit paunti-unti ang iyong inihulog ngayon bukas ay malaking halaga na ito.
"Dodoble ang pera sa loob ng sampung taon, sa $1000 dollars na ihuhulog ko kada taon, dodoble kasi ang halaga ng pera mo sa pagdating ng panahon," dagdag pa ni Tony Negline.
Para naman sa Financial Planner na si Rashesh Bhavsar, dapat komunsulta sa isang financial advisor o bisitahin ang Money Smart website para matuto sa kahalagahan ng superannuation.
"Seryosohin ang super fund, kasi bahagi yan ng iyong sweldo. Kung hindi mo naintindihan ang patungkol dito dapat humingi ng tulong sa Financial Advisor, dahil malaking kawalan ang pagbabaliwala nito," paliwanag ni Bhavsar.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa superannuation, bisitahin ang Money Smart website at moneysmart.gov.au.
Pwede ding makigpag-ugnayan sa Services Australia’s Financial Information Service sa numero 131 202 para sa libreng financial information sa iyong ginagamit na wika.