Key Points
- Umabot sa mahigit 600,000 ang bilang ng mga international students na nag-aaral ng kurso sa Australia sa panahon ng Enero hanggang Nobyermbre 2022.
- Sa datos ng Australian Department of Education noong 2022, pangwalo ang Pilipinas sa mga bansa kung saan nagmula ang mga international students na may 17,825 kabuuang bilang.
- Ilan sa mga karaniwang kondisyon ng student visa ay restriksyon sa trabaho, pagpapalit ng kurso, health insurance at iba pa.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa episode na ito, ipinaliwag ng Solicitor at Registered Migration Agent na si Johanna Nonato ang mga karaniwang kondisyon at mga restriksyon sa student visa.

Solicitor & Registered Migration Agent Johanna Nonato
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.