Ibinahagi ni Alexandra Eala sa isang panayam kay Dario Castaldo ng SBS Italian ang kanyang mithiing ma-inspire ang mga kabataan na maglaro ng tennis at maka-produce na mga magagaling na tennis players.
“I really want to try and put Philippines on the map in terms of tennis and hopefully when I’m good enough I have the platform to inspire and to motivate younger people to do the same thing and hopefully in the future there will be more rising [tennis]stars.”

A snapshot with Alexandra Eala after the 4th seeded player in the Girl's Junior draw at the 2020 Australian Open Source: Dario Castaldo
Pasok na ang katorse anyos sa round 3 ng Australian Open Juniors tournament.
Natalo ni Alex Eala si Julia Belgraver ng France sa score na 6-0, 3-6, 6-1 kahapon at na-qualify na nga siya sa ikatlong round.
Haharap ang dalagita sa dise siyete anyos na si Yi Cody ng Hong Kong ngayong araw.
Sa kabila ng singles competition, lalaban din siya sa doubles para sa junior girls quarter finals kung saan ay nag-team up siya kay Priska Nugroho ng Indonesia.
Kakalabanin ng mga Asyana ang French duo na sina Aubane Droguet at Selena Janicijevic upang maka-qualify sa semi-finals.